Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DAP funds napunta rin kay Napoles

IPINAHIWATIG ng Palasyo na kaya sinuspinde ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagpapalabas ng pondo mula sa Disbursement Acceleration

Program (DAP) para sa mga proyekto ng mga mambabatas, kasabay ng suspension sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), ay dahil napunta rin ito sa mga pekeng non-government organization (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.

“‘Yung pagsuspinde po, sa aking pagkakaalala, ay around the same time that we also suspended the PDAF releases,” paiwas na tugon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte nang tanungin kung kailan pa natuklasan ng Palasyo na dinala ng ilang senador sa mga pekeng NGOs ni Napoles  ang daan-daang milyong pondo ng DAP.

Magugunitang inamin ni Budget Secretary Florencio Abad, Jr., na hinugot sa DAP ang mula P50 milyon hanggang P100 milyon na pantustos sa mga kursunadang proyekto, matapos isiwalat ni Sen. Jinggoy Estrada.

Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa rin kategorikal na pahayag ang Palasyo hinggil sa tunay na dahilan ng pagsuspinde sa parte ng DAP na nakalaan sa mga proyekto ng mga mambabatas.

“So I think, at this point, importante ho talagang malaman kung nagkaroon ho ba ng misuse doon sa mga pondong ibinigay po dapat sa mga proyekto at sa mga implementing agencies at kung nasunod ho ba,” ayon naman Valte.

Kamakalawa ay isinapubliko ang mga dokumentong mula sa Department of Budget and Management (DBM) na nagsasaad na dinala nina Estrada, Sens. Bongbong Marcos, Bong Revilla, at Tito Sotto sa mga pekeng NGOs ni Napoles ang pondong nakuha nila mula sa DAP noong 2011, kaya hiniling ng Palasyo na magpaliwanag ang mga nasabing senador.

Matatandaang ilang beses nang iginiit ni Pangulong Aquino at mga opisyal ng kanyang administrasyon na ang pagwawaldas sa kaban ng bayan ay naganap lang noong rehimeng Arroyo, gaya ng P10-B pork barrel scam at P900-M Malampaya fund scam.

(ROSE NOVENARIO)

NAGWALDASKAKASUHAN

SASAMPAHAN ng kaukulang kaso ng administrasyong Aquino ang sino mang mapatutunayang nagwaldas sa multi-bilyong pisong pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP) , tulad din ng ginawa ng pamahalaan sa mga nasa likod ng P10-B pork barrel scam.

“Kung sino ho ‘yung nagkaroon ng involvement doon sa misuse, most certainly. Even in the cases relative to the 2007-2009  audit, ang nakita n’yo po roon sa mga sinampahan po ng kaso ng Department of Justice ay ‘yung meron hong tangible and real evidence that tends to support their prosecution. Ang importante po kasi sa atin talaga ay kung ano ho ‘yung mapapatunayan natin sa korte,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Magugunitang sinampahan ng kasong plunder ng Department of Justice (DoJ) sina Sen. Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Janet Lim-Napoles, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan dahil sa pagkakasangkot sa P10B pork barrel scam.

Habang nadadawit naman sa pagdala ng daan-daang milyong DAP funds sa  pekeng non-government organizations (NGOs) sina Estrada, Revilla, at Sens. Bongbong Marcos at Tito Sotto, matapos mapatalsik sa pwesto si dating Chief Justice Renato Corona.

Naunang napaulat na dati nang ipinagmalaki ni Napoles sa kanyang malapit na kaibigan na ginawa siyang ‘operator’ ng Malacañang sa mga senador para ayunan ang pagpapatalsik kay Corona at upang ipasa ang Reproductive Health Law.

Kaugnay nito, itinanggi ni Valte na may kinalaman ang Palasyo sa ibinunyag ng talunang senatorial bet at dating Manila Councilor Greco Belgica na may mga taong kumausap sa kanya upang huwag nang ituloy ang kanyang petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa legalidad ng DAP.

“ None that I know of from the Palace. I don’t—hindi ko po alam kung sino ‘yung mga pinapatungkulan niya,” wika ni Valte.

Katuwiran niya, nakahanda naman ang Palasyo na ipagtanggol ang legalidad ng DAP, batay sa inihaing petisyon sa Kataas-taasang Hukuman, sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …