HATAWAN
ni Ed de Leon
NAG-REACT si Kim Molina sa isang comment sa kanyang post sa social media na nagsabing ang kanyang boyfriend na si Jerald Napoles ay mukhang ”kargador.”
“una bastos ka,” bungad ni Kim bilang sagot niya sa nagmamaldita ring basher.
“Dapat mong malaman ang isang katotohanan talagang kargador si Je noong araw nabubuhat sila ng tela sa Divisoria bago siya naging isang artista at bago pa siya napanood sa teatro.
“At ano ang masama sa pagiging kargador marangal na trabaho iyan at hindi nga ba mas lalo nating dapat igalang iyang mga nagtatrabaho nang mabigat at nang mababa pa ang suweldo dahil ang mga ganyang tao ang kailangan natin,” sabi pa ni Kim.
Na totoo naman kaya nga sa mga lalong mauunlad na bansa kagaya ng America, mas malaki ang suweldo ng mga nagtatrabaho ng blue collar jobs. Mga trabahong ayaw ng marami at mahirap. Kinikilala kasi nila ang kahirapan ng mga ginagawa ng mga taong iyon. At saka naisip din naman namin, ano naman kaya ang itsura ng taong nagsasabing mukhang kargador si Jerald? Hindi naman kaya mukha siyang kaminero?