Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod ng Pasay. Nalaman ng mga miyembro ng media ang bagong sitwasyon ng peace and order sa lungsod ng Pasay.

Sa report ni P/Col. Mario Mayames, malapit ng maging drug free ang lungsod dahil sa mahigpit na direktiba ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Sinisiguro ng hepe na kanilang tinututukan ang mga ilegal na droga. Pero naniniwala siya na ang mga first offense sa mga drug users ay dapat na i-rehabilitate upang hindi tuluyang malulong sa masamang bisyo at tuluyang masira ang buhay.

Sa kasalukuyan, sa ilang buwan na panunungkulan ay  tahimik at walang nakapapasok na malalaking drug dealer.

         Kabilang din sa tinututukan ng pulisya sa ilalim ng administrasyon ni Mayames ay ang illegal gambling. Noon ay kilala ang Pasay sa mga sakla sa patay at mga ilegal na peryahan, ayaw ito ni Mayora Emi kaya isa ito sa mino-monitor ng pulisya, bagay na pinanatili nito ang peace and order dahil ang sugal ay isa sa dahilan ng pagkakaroon ng krimen at ilegal na droga.

Sa pamamagitan ng mahigpit na checkpoint kahit sa maliliit na kalsada ay patuloy upang masiguro na walang maglipanang riding-in-tandem na holdaper.

Tuluyan nang nabura ang bansag sa lungsod ng Pasay na noon ay kilalang ‘sin city’ at ngayon ay kilala na bilang “travel city” dahil dito matatagpuan ang NAIA International Airport at nakasisiguro ng kaligtasan ang lahat sa lungsod ng Pasay.

                                           ***

Nais kong ipabatid sa lahat ng readers ng pahayagang ito na hindi lamang pagbatikos at pagpuna sa mga negatibong nakikita natin sa paligid bagkus ay aming pinupuri ang gumagawa ng maganda.

***

Maligayang kaarawan kay Puchet Santos, anak ni Dist. 1 Councilor Ding Santos na nasa huling termino bilang Konsehal at si Chet ang nakatakdang humalili sa ama na kapartido ng magkapatid na Cong. Tony Calixto at Emi Calixto Rubiano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …