Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Phoebe Walker The Buy Bust Queen

Phoebe Walker, tiniyak na isang astig na hard action movie ang The Buy Bust Queen

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATINDING training ang pinagdaanan ni Phoebe Walker sa pinagbibidahang pelikula titled The Buy Bust Queen. Kaya naman excited na siya sa pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Kuwento ng aktres, “Nag-gun handling po kami bago ang shoot, pati mga formation kung paano pumapasok sa target location and how we cover each other’s back. Kasama po naming mga artista talaga ay mga totoong PDEA agents, kaya very legitimate yung movements namin as a unit.”

Ano ang reaction niya na ipalalabas na sa mga sinehan ang kanilang pelikula?

Pahayag ni Phoebe, “Happy and curious, kasi ibang edit ng pelikula ang mapapanood sa February 28. We already had a premiere a few years ago, so the version we’ll see now is different.”

Nagbida na rin sa action movie si Phoebe titled Double Barrel, pero iba naman ang mapapanood sa kanya sa pelikulang ito.

“Yes I play the titular role, first time. Pero not first time lead. We had fun sa shooting, malayo rin po ang shoot sa Mountain Province, sponsored by PDEA.

“Sila rin mismo ang kasama namin sa mga action scenes, kaya nakakadagdag ng power.”

Sumabak nga sa matinding action dito ang aktres, kaya tiniyak niyang astig na hard action ang mapapanood sa kanilang pelikula.

Esplika ni Phoebe, “Yes more on military training… So, expect a lot of hard action, and hopefully yung story ng The Buy Bust Queen ma-appreciate nila, since she is a real life person.”

Dagdag pa niya, “Main part ako ng story, halos all the scenes kasali ako, nakakapagod pero sobrang fulfilling talaga siya.

“Hard action ang makikita rito, meaning, barilan, habulan, all geared-up kami and totoong mga rifle ang gamit namin, kaya tumatakbo kaming more or less 10kg ang bitbit.

“Pero perspective ko kasi, ako ang nakikisama sa PDEA, privilege ko ‘yun na ma-experience ang ginagawa nila araw-araw. Nakakabilib po,” bulalas pa ni Phoebe.

Aniya pa, “Abangan nyo po itong aming pelikula dahil ito ay punong-puno ng aksiyon at aral.”

Isa ba itong advocacy movie sa campaign ng PDEA kontra droga?

Sagot ng magandang aktres, “Yes po, in partnership with PDEA, lalabas din sa movie si PDEA DIR GEN Wilkins Villanueva. Ipapakita po rito kung paano nagke-carry out ng operation ang PDEA at ano ang core values ng agency.

“Siyempre, may love story din sa gitna po nitong movie,” nakangiting wika niya.

Sino ang love interest niya rito? “Ang love interests po sina Ervic Vijandre and Alex Medina, ‘Ika-nga may pag-ibig sa PDEA, hahaha!” Nakatawang bulalas pa niya.

Bukod kay Phoebe, tampok din sa The Buy Bust Queen sina Ritz Azul, Maxine Medina, Ervic Vijandre, Alex Medina, Jeric Raval, Jeffrey Santos, Christian Vasquez, Dindo Arroyo, Ricardo Cepeda, Ayeesha Cervantes, at iba pa.

Ito ay mula sa pamamahala ni Direk JR Olinares at mapapanood na sa mga sinehan sa February 28.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …