Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Deo Endrinal

ABS-CBN executive na si Deo Endrinal pumanaw sa edad 60

YUMAO na ang ABS-CBN executive na nasa likod ng kanilang matagumay na seryeng FPJ’s Ang Probinsyano at ngayon ang FPJ’s Batang Quiapo, si Deo Endrinal. Namatay siya sa edad na 60, matapos ang ilang panahon din namang pakikipaglaban sa cancer. 

Si Deo na ang sumubaybay kay Coco Martin simula nang lumipat siya sa ABS-CBN at tumigil sa mga ginagawa niyang gay indie films noong una. Sa Kapamilya naman siya sumikat dahil ang mga gay indie naman niya noon ay hindi kumita.

Nauna kay Coco, napasikat din ni Deo sina Diether Ocampo, Carlos Agassi at iba pa, pero nitong huli ng ay naging concentrated siya kay Coco. Matinding dagok sa carreer ni Coco ang pagkawala ni Deo. Kaya siya naging direktor, creative consultant at gumagawa pa ng sarili niyang scripts dahil kay Deo.

Si Deo ay nanggalinh nga sa GMA noong araw bilang writer, hanggang sa lumipat siya sa ABS-CBN nang makuha ng mga iyon ang network mula sa BBC 2 ng mga Benedicto. Nanatili si Deo sa ABS-CBN kahit na nawalan ng prangkisa dahil sa paniwalang magsu-survive naman ang mga show nila kahit na sa cable at internet lamang, at baka makakuha ring muli ng prangkisa. Kung kailan naman sinasabing baka makakuha sila ng isang bagong estasyong may prangkisa at saka  naman siya nawala.

May he rest in peace.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …