Friday , November 22 2024
Manila International Film Festival MIFF

Mga bidang artista sa 10 MMFF movie nasa Amerika para sa MIFF

RATED R
ni Rommel Gonzales

MARAMING artistang Filipino ngayon ang nasa Hollywood, sa California, Amerika. 

Ginaganap kasi roon ang Manila International Film Festival na kalahok ang sampung Filipino films na kasali sa matagumpay na Metro Manila Film Festival noong Disyembre.

Hangad ng MIFF na ibandera at ipagmalaki ang kagandahan at kalidad ng mga pelikulang Filipino kaya naman marami sa mga artista sa sampung film entries ay lumipad pa-USA.

Kabilang rito ang ilang Kapuso stars tulad ni Dingdong Dantes na bitbit ang bandera ng Pilipinas para sa Rewind at Firefly na kapwa siya kasama.

Naroroon din si Kapuso actress and Nailandia Nail Spa and Salon owner na si Ysabel Ortega na isa rin sa mga bumida sa critically-acclaimed film na Firefly nina Alessandra de Rossi at Best Child Performer Euwenn Mikaell.

Nasa USA rin si Beauty Gonzalez para sa (K)ampon.

Wala man si Pokwang ay nasa Amerika naman si Eugene Domingo na bida rin sa Becky And Badette.

Bukod sa mga nabanggit na mga Kapuso star, nasa California rin si Christian Bables na lead star sa Broken Heart’s Trip.

Dumalo rin sa MIFF si Christopher de Leon at si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Tirso Cruz III para naman sa pelikula nilang When I Met You in Tokyo na lead female star ang MMFF Best Actress Vilma Santos.

About Rommel Gonzales

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …