MA at PA
ni Rommel Placente
SA isang interview ni Cong Richard Gomez, sinabi niya na nami-miss niya na ang gumawa ng pelikula. Mayor pa ng Ormoc City ang actor-politician nang gawin niya ang pelikulang Three Words To Forever (2018) na reunion movie nila ni Sharon Cuneta.
Ngayon ay congressman na siya at ang trabaho niya sa House of Representatives ay mula Lunes hanggang Miyerkoles. At hindi pa nasusundan ang pelikulang ginawa nila ng dating girlfriend.
“Nami-miss ko nga, eh,” sabi ni Richard.
Drama ba ang gusto niyang gawin?
Ang natatawang sagot ni Congressman Richard, “Drama. Siyempre, love story, ‘di ba? Sayang naman ang kaguwapuhan natin. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Sino naman ang leading lady niya, if ever?
“Wala pa, wala pa.”
Okey lang ba sa kanya na young actress ang katambal niya?
“Oo naman,” mabilis na tugon ni Richard.
“Thirty-three years old lang ako,” aniya pa na nagbibiro dahil sa darating na Abril ay 58 na siya.
Okey lang sa kanya na ang love interest ay kaedad ng 23-year-old daughter niyang si Juliana?
“Oo naman. Oo, kaya. May-December affair, ganoon ba?”
May nagsabi na pwede silang pagtambalin ni Andea Brillantes.
“Kahit sino, puwede.”
Willing ba siyang makipag-kissing scene kay Andrea?
“Kung willing sila, ‘di ba? Who am I to say no?”