RATED R
ni Rommel Gonzales
UNANG nakasama ni Joem Bascon sa isang proyekto si Jasmine Curtis-Smith sa pelikulang Culionnoong 2019 at ngayong 2024 ay magkatrabaho silang muli sa serye ng GMA, ang Asawa Ng Asawa Ko.
Ang serye ang pinakauna ni Joem sa GMA bagamat naging guest siya sa umeere pa ring Kapuso series na Black Rider.
Ano ang kanyang pakiramdam na sa wakas ay may regular series na siya sa GMA matapos magtrabaho ng mahabang panahon sa ABS-CBN?
“Happy,” umpisang bulalas ni Joem. “Happy, blessed, kasi alam niyo naman, ilang years na ba ako, 18, 19 years na yata akong nagwu-work [sa ABS-CBN].
“Last year was my first time working with GMA-7. So happy, blessed, nakakapanibago siyempre, kasi first time ko to work with GMA, pero sobrang saya.
“Kasi alam mo ‘yun ‘pag tumatanda ka naman, at the end of the day kailagan mo lang ng trabaho. Lalo na iyon nga may family na ako, may anak na kami ni Meme (Meryll Soriano) so, I’m happy na siyempre wala na namang network war ngayon, nabibigyan na ng chance ang mga taga-kabila, from ABS, nakaka-work na sila sa GMA, ang mga taga-GMA nakaka-work na sa mga taga-ABS.
“So, nagkakaroon na ng collaboration ang mga network and I’m happy, I’m happy na may trabaho tayong lahat ngayon,” pagbabahagi pa ni Joem.
Gumaganap si Joem bilang si Leon sa serye kasama sina Jasmine as Cristy, Rayver as Jordan, Martin as Jeff, at Liezel Lopez as Shaira.
Tampok din sina Kzhoebe Baker as Tori, Mariz Ricketts as Pusit, Jennifer Maravilla as Sawa, Patricia Coma as Pusa, Luis Hontiveros as Alakdan, Kim de Leon as Kuwago, Quinn Carillo as Leslie, Crystal Paras as Nonette, Billie Hakenson as Buwaya, Ian Ignacio as Igat, at Bruce Roeland as Bakulaw.
Napapapanood tuwing 9:35 p.m. sa GMA Prime, sa direksiyon ni Laurice Guillen.