Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carrillo Asawa Ng Asawa Ko

Quinn Carillo kinikilig sa pagkakasama sa serye ng GMA

RATED R
ni Rommel Gonzales

STILL on Asawa Ng Asawa Ko, kinikilig si Quinn Carillo na maging parte ng naturang GMA series.

Lahad ni Quinn, “Sobrang kinikilig po talaga, kasi noong una, sabi nga po, is pang-hapon.

“Tapos, kahit po panghapon, sobrang suwerte ko na sobrang happy ko na, tapos sinabi nila na biglang sa primetime.

“So lalong… ‘Oh, my God! It’s my first TV series and it’s gonna be primetime!’

“‘Di ko alam, I don’t know what to feel, I’m just feeling really elated right now.

“Sabi ko, ‘Oh, my gosh, sobrang suwerte ko.’”

Hindi pa rin ganap na nagsi-sink in sa utak niya na nakatawid na siya mula sa indie films to a mainstream TV series?

Actually, hindi ko po siya iniisip,” bulalas ni Quinn. “Like, nakatawid na ako.

“Kasi, it’s still work. And ayoko naman pong paabutin sa utak ko na, ‘Ay, mainstream na ‘yan.’

“So, it’s still work pa rin naman ‘yun. Kasi, feeling ko, aakyat sa utak ko.

“Kahit sabihin ko, ayoko. Kahit sabihin ko, nakatawid. Mayroon, eh.

“Mayroon at talagang parang, parang aakyat talaga sa utak ko ‘yun, ‘yung ginagawa kong project.

“So, inisip ko na lang, ano to, like, any other job, gawin mo nang maayos, gawin mo ang best mo, gawin mo lahat ng puwede mong gawin, para maipakita mo na deserve mo itong project.”

Kasama rin si Quinn ng mapangahas na Haslers ng Vivamax at siya rin ang sumulat ng script nito na available na ngayon for streaming.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …