Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rio Locsin Baby Go

Rio Locsin feel ni Baby Go na gumanap sa kanyang life story

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISASAPELIKULA ang kuwento ng tunay na buhay ng lady producer na si Baby Go ng BG Productions International.

Kuwento ni Baby, “Nagsimula po ako sa real estate bago ako pumasok sa showbiz. Nag-produce ako sa sarili kong pera, wala akong naging partner at iyong aking  pagpo-produce galing po sa pinaghirapan  ko sa real estate, buy and sell, pagbu-broker.

“Marami pa akong kuwento, siguro abangan na lang sa life story ko na gagawin naming pelikula.”

Sino ang aktres na gaganap bilang Baby Go sa autobiographical film na ipo-produce niya?

Dati may pangarap ako eh, si Rio Locsin, dati-dati. Tapos siyempre, wala lang, may nakita kang iba, mayroon din, hindi ko pa po masasabi.”

Matagal pa naman kasi bago niya gawin ang pelikula tungkol sa buhay niya.

Kapag wala na akong proyekto, at saka ko siya gagawin. Marami pa akong proyekto na naka-line-up.”

Mauuna muna na ipalabas ang AbeNida nina Allen Dizon at Katrina Halili.

Incidentally, kapwa may seryeng umeere sina Allen at Katrina sa GMA na parehong umaalagwa sa ratings game, ang Abot Kamay Na Pangarap (nina Allen, Carmina Villarroel, at Jillian Ward) at Black Rider (nina Katrina, Matteo Guidicelli, at Ruru Madrid).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …