Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Juliana masunuring anak 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY nagsabi rin, nakatutuwa sina Mayor Richard Gomez at Cong. Lucy Torres Gomez dahil hindi nagkakaroon ng problema sa kanilang unica hija na si Juliana. Mukhang napaka-masunuring bata ni Juliana, at hindi gaya ng iba na ang akala ay kayang-kaya na nilang tumayo sa sarili nilang paa at humihiwalay na sa mga magulang.

Sabihin siguro nating dapat bigyan ng credit sina Goma at Lucy sa magandang pagpapalaki nila sa kanilang anak. Iyang mga anak naman, hindi niyan maiisipang mamuhay ng sarili kung nadarama nila ang pagmamahal at pangangalaga ng kanilang mga magulang. Kasi si Mayor Goma naman kahit na gaano siya ka-busy ay sinisiguro niyang may panahon siya para sa kanyang anak. Nakita naman ninyo na naimumulat niya si Juliana sa sports at mga sport iyon na nakahiligan din niya. Naging varsity si Juliana sa volleyball at ilang ulit nga bang nakasama sa National Volleyball Team si Goma. Naging champion fencer din si Juliana kagaya ni Goma, kaya makikita mo ang pagiging close ng dalawa. 

Iyong pagkilos ni Juliana at ang kanyang pananamit walang dudang nakuha naman niya kay Lucy.  At sabihin na rin nating dahil din iyan sa pangangalaga sa kanya ng kanyang lolo at lola. Buo kasi ang kanilang pamilya walang intriga sa kanilang pagsasamahan kaya maayos ang lahat.

Mapapansin ninyo magulo lang naman ang pamilya at may mga anak na humihiwalay sa magulang kung hindi maayos ang patakbo sa kanilang tahanan kung nagkakaroon ng hindi pagkakasundo sa ugali at sila-sila mismo ay may intriga sa isa’t isa. (Totoo ‘yan Kuya Ed nakausap ko na si Juliana, napaka-galang at mabait na bata—ED)

Hindi ba lagi namang ganoon ang ating nakikita?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …