Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Fans day ni Male starlet nilangaw

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI maitago ng isang male starlet ang kanyang disappointment sa ginawa nilang fans’ day sa isang restaurant. Akala pa naman niya ay maraming fans ang darating kaya pinaghandaan niya ang numbers na gagawin sa program.

Nangumbida pa siya ng iba ring starlets para mag-perform. Pero nagulat siya nang wala pang 100 tao ang dumating ganoong ipinagmamalaki nila na 6,000 ang member ng isang fans’ club lamang niya. Ang palusot naman ng mga organizer kasi raw open lang iyon sa mga account administrator ng male starlet at mga members ng kanilang chat group. Hindi naman daw lahat ng 6,000 nilang member ay kinumbida nila.

Pero hindi maikakaila eh, may nadagdag sa kanilang members, pero hindi naman nila sinasabi kung ilan ang umaalis. Marami na rin daw kasing fans ang male starlet na humanga sa kanya noong una pero nabuko na ang marami niyang “sikreto” kaya nawawalan sila ng gana. Lalo na nga’t kumakalat na siya ay isang “car fun boy. Ibig sabihin ay isang lalaking natatangay ng mga bakla mula sa mga bar at iba pang inuman. Iyon bang sumasama sa kotse ng mga bakla, o kaya isinasakay naman ang bakla sa kotse niya at doon na sila gumagawa ng milagro sa dilim. 

Kung sa bagay, hindi ba kahit na sa kanyang gay series ay may eksena siyang ganoon kaya pala parang sanay na sanay na siya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …