Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derrick Monasterio Elle Villanueva

Derrick at Elle iginiit ‘di pa sila nagli-live-in, sleep over lang

INAMIN ng magka-love team na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na hindi naman masasabing nagli-live in sila, pero minsan may sleep over ang aktor sa bahay ng aktres. Minsan naman si Elle ang nag-i-sleep over sa bahay ni Derrick. Wala namang masama roon dahil may relasyon naman sila. Ang masama ay iyong may karelasyong iba tapos makikipag-sleep over ka sa bahay ng iba at sasabihin mong nalasing ka lang kasi. Kasabihan na nga basta may alak, may balak.

Inamin din naman ni Derrick na may plano na silang mag-live in talaga, naghihintay lang sila ng tamang panahon. Siguro kung iyon ay masasabi ngang matibay na ang kanilang career at may pinagkakakitaan na nang husto si Derrick na kaya na niyang tustusan ang isang pamilya. Kasi sa ngayon naman nagsisimula pa lang sumipa ang career niya eh. Nagsisimula pa rin lang mapansin si Elle na sayang naman kung titigil siya sa kanyang career, o masasabing magkakaroon na siya ng limitasyon sa career niya dahil sa kanyang pakikipag-relasyon kay Derrick.

Nakatatawa nga eh, kasi sinasabing nagpa-imbestiga raw agad si Elle sa mga intrigang may kakaibang sexual preference si Derrick at napatunayan naman niyang iyon ay intriga lang.

In the first place, sino ba ang dapat na unang makahalata kung ganoon nga kung hindi siya?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …