Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards

Alden pumalag sa hindi matigil na tsismis

HATAWAN
ni Ed de Leon

PUMALAG na si Alden Richards sa hindi matigil na tsismis na nagsasabing bakla siya. Dahil lang ba sa walang girlfriend si Alden at sinasabing hindi naman siya nanligaw kay Maine Mendoza kahit na noong araw masasabi mo bang bakla na siya?  Hindi ba puwedeng may iba lang siyang priorities sa kanyang buhay kaya wala pa siyang panahon na mag-girlfriend? 

Hindi kaya masasabi lang na siguro hindi niya talaga type si Maine kaya hindi siya nanligaw? Hindi ibig sabihin niyan pangit si Maine maganda naman siya pero iyong kanyang kagandahan ay hindi sapat para mabago ang priorities sa buhay ni Alden.

Tapos pati si Derrick Monasterio sinabihan ng bakla. Eh may girlfriend nga iyong tao sasabihan ninyo ng bakla. Pero sabi nga ni Derrick hindi siya bothered kahit na sabihin mang bakla siya dahil alam naman niyang hindi. Ang bothered siya bakit naman ganoon kababa ang pagtingin nila sa bakla, at ang nakatatawa pa, ang nanlalait sa mga bakla ay kapwa nila mga bakla rin? 

Paano ba talaga mapatitigil iyang bakla issue sa showbusiness? Lahat na lang ay pinagbintangang bakla. Si Piolo Pascual pinagbintangang bakla. Maski si Boyet de Leon noong araw, pinagbintangan din. Lahat sinasabihan nila ng bakla nakagugulat nga naman.

Pero natatandaan namin ang sagot diyan ng legendary actor and director na si Eddie Garcia, sabi niya, “Hanggang hindi mo siya nakikitang may nakasubong alam mo na, hindi mo siya maaaring tawaging bakla.”

Tama naman, hintayin muna ninyong makompirmang kung ano-ano nga ang isinusubo at saka ninyo sabihan ng ganoon.

Hintayin ninyong mala-alkitran na ang tapal ng make-up sa mukha, o kaya ay sapin-sapin na ang wig na suot sa ulo at saka ninyo sabihing, “nagpapanggap lang siyang babae pero lalaki siya,” in short bakla siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …