Monday , December 23 2024
arrest, posas, fingerprints

3 notoryus na pugante, 15 pa nalambat ng Bulacan police

NAGWAKAS ang matagal nang pagtatago sa batas ng tatlong notoryus na pugante nang sunod-sunod na maaresto kabilang ang 15 pang wanted na tao sa  matagumpay na operasyong isinagawa ng pulisya sa Bulacan hanggang kahapon ng umaga, Enero 5.

Sa ulat na isinumite kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang tatlong (3) Most Wanted Persons (MWP) ay sina: Alfonzo Perez Jr. wanted para sa kasong Qualified Theft (2 counts), Top 10 Provincial Level ; si Jomar Orillosa dahil sa paglabag sa R.A 9165 nasa Top 1 Municipal Level ; at MWP City Level ng San Jose Del Monte, na si Leonard Aviera na wanted para sa krimeng Acts of Lasciviousness kaugnay ng R.A 7610 ay matagumpay na naaresto ng pulisya ng Bulacan sa bisa ng warrant na inilabas ng korte.

Bukod dito, labinlimang (15) indibidwal, na wanted sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas ang dinakip ng tracker team mula sa Angat, Marilao, Hagonoy, SJDM, San Rafael, Bulakan, Sta. Maria, San Miguel at Paombong C/MPS.

Ang mga arestadong indibidwal na ito ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng unit/istasyon ng pag-aresto para sa tamang disposisyon.

Ayon kay P/Colonel Arnedo, ang walang humpay na pagtugis ng Bulacan PNP sa mga wanted na kriminal ay sumasalamin sa kanilang pangako kaugnay sa mandato ni RD, PRO3 PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …