Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMFF Direk Tony Reyes

Direk Tony masaya sa pagdagsa ng netizens sa mga sinehan

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAGING ang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si direk Tony Reyes ay tuwang-tuwa sa nakita niyang pagbabalik ng mga tao sa panonood ng sine. Nagulat siya na hanggang sa ikalawang linggo na ng festival ay pila pa rin ang mga tao, ganoong noong nakaraang buwan lamang wala halos nanonood ng sine.

Nangyari naman iyan sa pagtutulungan ng lahat. Puro magaganda at makabuluhang pelikula ang isinali nila sa festival. Maliban sa isa na puro malalaking artista rin ang stars ng mga pelikula, at iyon ang hinahanap ng mga tao kaya nanood sila.

Kumilos din ang mga star, nanguna sina Vilma Santos at Boyet de Leon dahil sa kanilang advocacy na mapabalik ang mga tao sa sinehan. Sumugod sila sa mga mall tour at nagbenta ng advance tickets sa mga sinehan at natural dahil naroroon sila, maraming bumili ng tickets. Ginaya naman iyon ng ibang mga artista kaya dumami ang nanonood ng pelikula.

Nakakaiyak sa tuwa,” ang nasabi na lang ni direk Tony. SI Direk Tony ay director ng napakaraming pelikulang naging top grosser sa festival, siya ang director ng maraming pelikula ni Vic Sotto noon na naging top grosser sa festival, at maging ang mga pelikula ni Joey de Leon na naging malalaking hits sa takilya.

Ngayon medyo hands off nga muna si direk Tony sa mga pelikula dahil member siya ng MTRCB. 

Hindi naman ipinagbabawal sa mga miyembro ng MTRCB na gumawa ng pelikula, pero medyo umiiwas siya para maiwasan na nga ang masasabi ng iba. Bukod pa nga sa katotohanang noong mga nakaraang araw, ang mga pelikula ay puro tinipid na indie kundi man mahalay, na ayaw naman niyang gawin.

Pero ngayon napabalik na nga ang mga tao sa sine, at sana ay magtuloy-tuloy na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …