Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia Kathryn Bernardo Daniel Padilla Andrea Brillantes

Joshua na-fake news, pangingialam kina Daniel at Andrea 

HATAWAN
ni Ed de Leon

IGINIIT ni Joshua Garcia na fake news ang kumalat sa social media na sinasabing pinangaralan niya si Daniel Padilla at kinampihan si Kathryn Bernardo sa kanilang relasyon. Sinabi pang sinabihan daw niya si Daniel na, ”tigilan na ninyo iyang ginagawa ninyo ni Andrea.”

Hindi raw siya makikialam ng ganoon at sabi nga ni Joshua paano niyang masasabi iyon eh nalaman lang niyang inili-link si Daniel kay Andrea noong naglalabasan na ang mga tsismis. Bago raw iyon, ni wala siyang naririnig na kaugnayan ni Daniel kay Andrea o sa kanino mang iba dahil alam nila na syota niya si Kathryn.

Pero alam naman ninyo iyang mga nasa social media matataba rin ang isip. Noong isang araw nga may nakita pa kaming alam naming ang binabasa ng blogger ay column namin sa Hataw kasi wala naman siyang binago, binabasa lang niya word for word. Pero kung magsalita, sila ang magagaling at nauuna sa balita. Tinatangkilik lang naman sila kahit na puro sila fake news dahil libre lang. Subukan ninyong maningil na sa gamit ng social media kung may makikinig pa sa mga iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …