Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Sa 2 araw police ops sa Bulacan
P.2-M ILEGAL NA DROGA NAKUMPISKA, 13 TULAK ARESTADO; 4 PANG PASAWAY INIHOYO

LABING-PITONG indibiduwal ang sunod-sunod na naaresto sa dalawang araw na anti-criminality operations ng Bulacan police kamakalawa at hanggang kahapon ng umaga, Disyembre 6.

Sa ulat na isinumite kay P/Lt/Colonel Jacquiline P. Puapo, officer-in-charge ng Bulacan PPO, na ang Station Drug Enforcement Unit ng PIT, RIU 3, PDEA Bulacan, San Jose Del Monte, Bocaue, Plaridel, Norzagaray, San Ildefonso, Santa Maria at Angat C/MPS ay nagkasa ng operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkaaresto sa labintatlong nagbebenta ng droga.

Nakumpiska mula sa mga naarestong suspek ang kabuuang apatnapu’t limang {45} sachet ng shabu na tinatayang may bigat na 38.6 gramo at halagang Php 263,840.00, tatlong sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na may  bigat na 40 gramo at may halagang Php 4,800.00, drug paraphernalia, at buy-bust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang pagsusuri, habang mga reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga naarestong suspek ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte.

Samantala, sa manhunt operation na isinagawa ng tracker team ng Malolos CPS at Bulacan CIDG PFU ay nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong (3) indibidwal sa bisa ng Warrant of Arrest.

Bukod dito, isang 53-anyos na lalaking suspek mula sa Little Baguio, Brgy. Poblacion, Baliwag City, ang inaresto ng mga rumespondeng tauhan ng Baliwag CPS dahil sa paglabag sa R.A. 10591, o mas kilala bilang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” (Illegal Possession of Firearms and Ammunition), na naganap sa Brgy. Poblacion, Baliwag City, bandang alas-4:10 ng madaling araw kahapon, Disyembre 6.. 

Nakumpiska mula sa naarestong suspek ang isang (1) caliber.38 revolver na may serial number na PN12023049 na kargado ng anim na bala.

Ang lahat ng mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting stations/unit para sa kaukulang disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …