Monday , December 23 2024
Bulacan Gawad Galing Kooperatiba

23 pinakamahusay na koop sa Bulacan kinilala ng Gawad Galing Kooperatiba

KINILALA ng taunang Gawad Galing Kooperatiba ang 23 pinakamahuhusay na kooperatiba sa Bulacan sa ginanap na parangal sa The Pavilion, sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, lungsod ng Malolos.

Nahahati ang GGK sa walong parangal kabilang ang Gawad Galing Kooperatiba; Outstanding Performance; Notable Performance; Special Distinction; Special Citation; Golden Year Award; Gawad Galing Guardian at Laboratory Cooperative; at Special Recognition.

Sa ilalim ng Gawad Galing Kooperatiba, pinarangalan ang Sta. Monica of Bustos Multipurpose Cooperative para sa Large Scale Category at nag-uwi ng P80,000 at tropeo.

Para sa Outstanding Performance, nagwagi ang Catmon Multi-Purpose Cooperative at Sto. Niño de Parada Multi-Purpose Cooperative, parehong nasa Large Scale Category, na nag-uwi ng P45,000 at plake.

Gayundin, para sa Notable Performance – Large Scale Category, kabilang sa nagwagi ang Palayan sa Nayon Multipurpose Cooperative at Catholic Servants of Christ Community Multipurpose Cooperative habang San Gabriel Rural Waterworks Development Cooperative naman para sa Medium Scale Category na bawat isa ay tumanggap ng P45,000 at plake.

Para naman sa Special Distinction Award, napili at nag-uwi ng P30,000 at plake ang Homebuilders Alkansya MPC para sa Medium Scale Category at Mahabang Parang Waterworks Cooperative, Sapang Palay Tricycle Service Cooperative at Silangan Multi-Purpose Cooperative para sa Small Scale Category.

Pinagkalooban rin ang walong kooperatiba ng Special Citation at tumanggap bawat isa ng P15,000 at plake kabilang ang National Food Authority Employees MPC, Sampol Market Vendors Credit Cooperative at Bulacan State University Multi-Purpose Cooperative para sa Small Scale Category; at CARE Savings and Credit Cooperative, PAGUNOVA Transport and Multipurpose Service Cooperative, Pandi Senior Citizen Multi-Purpose Cooperative, San Isidro-San Roque Credit Cooperative, at Sapang Palay Minuyan Loop Transport Service Cooperative para sa  Medium Category.

Sa ilalim ng Large Scale Category, tinanggap ng nag-iisang nanalo na Sto. Rosario Credit and Development Cooperative ang Golden Year Award na pinagkalooban ng plake.

Samantala, P5,000 bawat isa at plake ang ibinigay sa San Miguel de Marilao Multi-Purpose Cooperative/Angelican School of Marilao Inc. Laboratory Cooperative, Mahabang Parang Waterworks Cooperative/St. Michael Laboratory Cooperative, Parish of St. Francis of Assisi Meycauayan Credit and Development Cooperative/St. Francis Laboratory Cooperative, San Jose del Monte Savings at Credit Cooperative/Skylab of San Jose del Monte Savings and Credit Cooperative, at Prenza Multipurpose Cooperative/Prenza MPC Kiddie Savers Laboratory Cooperative para sa pagkapanalo sa Gawad Galing Guardian at Laboratory Cooperative award.

At panghuli, ipinagkaloob ang Special Recognition na may kasamang sertipiko sa San Gabriel Rural Waterworks and Development Cooperative para sa Medium Scale Category; at Sto. Niño de Parada Multi-Purpose Cooperative para sa Large Scale Category matapos tumanggap ng pambansang pagkilala.

Binati ni People’s Governor Daniel Fernando ang lahat ng nanalo at nangakong sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office na pinangungunahan ni Atty. Jayric Amil, patuloy na susuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang mga kooperatiba sa lalawigan.

“Hinihikayat ko ang bawat isa sa atin na patuloy na magbigay-pugay at suporta sa mga kooperatiba. Sa ating pagkakaisa, magiging mas matatag pa ang pundasyon ng tagumpay ng bawat isa. Sa mauunlad na kooperatiba, ‘ipagpatuloy po ninyo ang inyong pagsusumikap, ipagpatuloy po ninyo ang inyong mga pag-unlad sapagkat sa kooperatiba, d’yan nakikita ang pag-unlad ng mga maliliit na negosyante,” ani Fernando.

Dumalo din sa parangal sina Bise Gob. Alexis Castro, Cooperative Development Authority (CDA) Assistant Sec. Vergel Hilario, CDA Assistant Regional Director Carolina Miguel, at Bokal Arthur Legaspi. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …