Friday , November 15 2024
PNP PRO3

Mahigit 2500 barangay ng Central Luzon drug- cleared na

SINABI ni Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. na natuwa siya matapos ideklarang drug-cleared ang 2,568 sa 3,105 barangay ng Region 3.

Sa 7 probinsya at 2 lungsod sa Central Luzon, Aurora, Bataan at Tarlac ay nakakuha na ng 100% drug-cleared barangays habang 161 barangay sa buong rehiyon ay drug free na.

Bago ideklara na ang isang barangay ay malaya mula sa mga aktibidad ng ilegal na droga, dapat i-validate ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs ang hindi pagkakaroon ng supply ng droga, ang kawalan ng drug transit activity, clandestine drug laboratory at chemical warehouse, marijuana cultivation site, drug den, drug pushers at user sa lugar.

                “Hindi na kailangang sabihin, ako ay namamangha na habang ako ang Regional Director ng PRO3, mas maraming bayan at barangay ang umabot na sa drug-cleared status pagkatapos ng pag-isyu ng sertipikasyon ng mga miyembro ng Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Program. I am proud of this achievement dahil alam ko po na patuloy na magsusunod-sunod na ang madedeklarang drug-cleared barangays and even provinces in the coming months dahil sa walang humpay na pagpapatupad ng barangay drug clearing program kasama ng PDEA. Tulungan nyo po kami sa aming layuning ito dahil hindi lamang po sa amin ang laban na ito kundi laban nating lahat upang makamit natin ang isang drug-free region,” PBGEN HIDALGO JR further stated.

Kaugnay nito, kamakalawa, Nobyembre 22, 2023, ang bayan ng Cuyapo sa Nueva Ecija ay idineklarang drug cleared na. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …