I-FLEX
ni Jun Nardo
NAPIKON si Sen. Bong Revilla, Jr. sa panggamit sa pangalan niya kaya pinalusot na dumaan sa daanan ng bus carousel sa EDSA na mahigpit na ipinagbabawal sa mga sasakyang hindi awtorisado.
Ayon sa reports, ginamit ang pangalan ng senador ng sakay ng sasakyang lumabag. Pinalusot ito eh hindi pala si Sen Bong ang sakay ng sasakyan kaya nagalit ang senador.
Sa pahayag ng senador sa interviews, “Nililinis ko nga ang pangalan ko, tapos heto na naman ang maling paratang! Nasa Cavite ako sa oras na ‘yan at hindi dumaan sa EDSA ang sasakyan ko!”
Nagkaayos at nagkapatawaran ang dalawang partido. Tinaggap naman ng senador ang apology at hindi na maaapektuhan ang budget ng MMDA sa unang pahayag.
Likas lang ang pagiging mabait ni Sen Bong sa nangyari na maging lesson sa lahat ng sangkot sa pagkakamali.
Sa totoo lang, may exceptions kasi sa batas na ipinatutupad kaya mas mabuting limitahan na lang para hindi maabuso ng hindi sakop ng exemptions.