Thursday , May 8 2025
Music Composer

Kumikita nga ba ang mga kompositor?

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG sa bagay maging ang mga naunang composer na mga Filipino ganyan din ang problema. Noon kasing araw, hindi pa uso iyang mga copyright na iyan. Ang mga composer kung gumagawa ng kanta, para magkapera at maisaplaka ang mga iyon, ipinagbibili nila outright sa music companies. 

Nakagugulat na maski na ang mga itinuturing na mga klasikong Kundiman, bagama’t alam natin kung sino ang gumawa ng mga iyon. Hindi naman sila ang nakikinabang kundi ang mga nakabili ng komposisyon at siyang may hawak ng copyright niyon. Ngayon nga  kung minsan nakalulungkot isipin na ang isang klasikong kanta, para maawit ng isang mang-aawit at maisaplaka niya, kailangan siyang magbayad ng hindi bababa sa P50K na intial guarantee lamang sa may hawak ng copyright, samantalang ang mismong gumawa ng kanta ay walang nakukuha kahit na barya dahil naibenta niya outright ang kanyang ginawang kanta.

Naalala nga namin ang kuwento ng nasirang National Artist na si Mang Levi Celerio, humigit kumulang sa 5,000 kanta ang kanyang nagawa at naletrahan, kabilang na ang sikat na Ikaw, Gaano Ko Ikaw Kamahal, at iyong Ang Pasko ay Sumapit. Sabi nga ni Mang Levi noong araw na kung siguro bibigyan lamang siya ng isang pera sa bawat plakang mabibili gamit ang kanyang mga kanta ay mayaman na siya. Pero hindi nga yumaman si Mang Levi, hanggang sa tumanda siya at mamatay, tumutugtog pa siya ng kanyang biyolin sa isang restaurant para lang may pagkakitaan.

Natatandaan din namin ang kuwento ng composer na si Alice Doria Gamilla na gumawa ng awiting A Million Thanks To You na pinasikat ni Pilita Corrales at pinagkakitaan ng recording company at ng nakabili ng kanta ng milyon. Ganoon din naman si Pilits na kumita ng malaki sa kantang iyon. Pero ang kanta ay naipagbili lamang ni Alice ng P150 noon dahil kailangan niya ng pera para sa anak niyang may sakit.

Milyon ang kinikita ng kanta, pobre ang gumawang composer niyon.

Iyan ang sakit ng ating music industry, kung sino pa iyong ugat ng industriya, iyon pa ang api. Durugtungan ko pa iyan ng isa, may nakuha bang royalty si Freddie Aguilar sa kanta niyang Anak na milyong kopya na ang naibenta at naisalin pa sa 25 iba’t ibang wika?

About Ed de Leon

Check Also

Benz Sangalang

Vivamax King na si Benz Sangalang tumawid sa mainstream, hahataw sa ‘Totoy Bato’ ng TV5

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGKAHALO ang naramdaman ng hunk actor na si Benz Sangalang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

RATED Rni Rommel Gonzales MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon ipinagtanggol si Kiko — Maayos siyang tao at may hanapbuhay bago kami ikinasal

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGPATULOY ng  mag-inang Roselle at  Atty. Keith Monteverde ang pagtulong sa tumatakbong kandidato na sinimulan …

Blind Item, man woman silhouette

Aktres sa gabi lang pwede ikampanya si dyowang tumatakbo 

I-FLEXni Jun Nardo SA gabi lang pala kung tumulong ang isang female sa asawa niyang kumakampanya rin …

Lance Raymundo

Lance Raymundo balik-TV

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BALIK telebisyon ang aktor/singer na si Lance Raymundo matapos ang sunod-sunod na hosting …