Friday , November 22 2024
Quezon City QC SK

QC SK Federation election ‘kontrolado’ ng ilang politiko

NALALAMBUNGAN ng pangamba at lumbay ang mga lider kabataan sa Quezon City dahil sa sinabing pakikialam ng mga nakatatandang politiko sa kanilang pangangampanya para sa pagpili ng lider sa kanilang hanay.

Kaya ang maugong na kandidatura sa pagka-presidente ng Quezon City Sangguniang Kabataan Federation na si Jeanly Lin, SK chairman ng Barangay San Bartolome , Novaliches ay tila nasukluban ng pangamba at lumbay ang mga lider kabataan nang umugong sa kanilang hanay ang dinabing pambabraso ng ilang politiko.

Sa 14 Nobyembre, nakatakdang magtipon-tipon ang mga halal na SK chairs mula sa 142 barangay para malayang pumili ng bagong pinuno ng Quezon City SK Federation.

Tila mapapawi ang inaasahang kasiglahan ng mga SK lider sa kanilang unang pagkakataon na magkita-kita. Lubhang maiiba ng postura ng mga kabataan dahil nangangamba umano sila na suwayin ang mga idinidikta sa kanila ng isang dati at isang nakaupong konsehal ng lungsod.

Isang alyas Uno at alyas Dos ang nagsabing may minamanok silang SK chairman na hangad nilang maluklok bilang bagong pinuno ng QC SK federation kaya mistulang binabraso ang mga kabataang lider.

         Hindi matiyak kung sino sa mga SK chairpersons ang nais nilang maging SK president ng Lungsod.

Napag-alamang ‘nagbanta’ ang nasabing senior politicians na kung sinoman ang sumuway sa kanilang kagustuhan ay posibleng hindi makatatanggap ng badyet sa lokal na pamahalaan ang SK chairman.

Ayon sa isang political analyst, ang sinomang politiko o influencer na dinidiktahan ang malayang kapasyahan ng mga halal na lider ng kabataan ay isang anyo ng paglapastangan o ‘pagyurak’ sa batayang karapatan ng mga kabataan na itinatakda sa batas.

“As stipulated in the Local Government Code of 1991, the SK president is an automatic member of the municipal or city council. Aside from participation in local policy-making, the SK also receives 10 percent allocation from the barangay budget to implement youth oriented welfare program.”

Kasing linaw ng sikat ng araw ang isinasaad sa batas, sadyang makatatanggap ng kaukulang badyet ang Sangguniang Kabataan. Kaya, hindi makatuwiran upang gipitin ang mga kabataan. Nakahihindik na ipinangalandakan umano ng ilang politiko ang ‘saliwang pagkaintindi’ sa mandato ng LGC Code.

Anang tagasuri, mistulang namamayani pa rin  ang microcosm ng “adult government” kung saan nababahiran ng mga isyung nepotismo at isang anyo ng pagkorap sa isipan ng mga bata.

Ipinalala ni Jeanly Lin, Barangay San Bartolome, SK chairman, “hayaan po natin ang mga kabataan sa malayang kapasyahan at kahandaan nitong suungin ang arena na napakahalaga sa kanilang mga karapatan at kapakanan.” (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …