Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meralco mega-franchise hatiin suportado ng 2 mambabatas

111323 Hataw Frontpage

SUPORTADO ng dalawang mambabatas ang panukalang hatiin ang Meralco mega-franchise na naging monopolyo sa pagsusuplay ng koryente sa bansa.

Kabilang sa kongresistang sumusuporta sa panukala ay sina ACT Teacher Representative France Castro at Laguna Rep. Ann Matibag.

Magugunitang nagsagawa ng privileged speech si Laguna Rep. Dan Fernandez na humihiling na hatiin sa tatlo ang prankisa ng Meralco at repasohin ang ipinagkaloob sa kanila ng Kongreso lalo’t hindi na maganda ang serbisyo at naaabuso na.

Tinukoy nina Matibag at Castro, ang mataas na singil sa koryente ang isa dahilan kung bakit natatakot mamuhunan ang mga dayuhang negosyante na makatutulong sana sa paglago ng ekonomiya.

Ipinunto nina Matibag at Castro na kahit may ginagawa ang pamahalaan para makahikayat ng mga mamumuhunan, hindi pa rin kumakagat at tumutugon sa kahilingan dahil sa usapin ng mataas na singil sa koryente.

Sinabi ni Matibag, bukod sa mataas na singil ng koryente ay hindi rin masiguro kung may sapat na suplay ng elektrisidad na maibibigay dahilan para mangamba o magdalawang-isip ang isang namumuhuan.

Naniniwala si Matibag, isa nakitang dahilan kaya namonopolyo ng Meralco ang industriya ay noong simulang ipatupad ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) 2001.

Kaya’t nagkaroon ng non-transparent sa tinatawag na Competitive Selection Process (CSP) para makakuha ng power supply agreement na tanging mga kompanyang nasa ilalim ng Meralco ang nakakasama.

“Meralco is also a monopsony in the Philippine electricity market being the biggest distribution utility in the country having electricity demand that is more than half the demand of the entire country. As a monopsony, Meralco could have been instrumental in reducing power rates of the country,” ani Matibag.

Ang monopsonyo ay isang estruktura ng pamilihan na nagtataglay ng iisang mamimili na may kompletong kontrol, at ang mga prodyuser ang sumusunod sa kagustuhan ng iisang konsumer.

Ipinagtataka ni Matibag, noong 2000 ay P3 lamang kada kilowatt hour ang bayad sa koryente ngunit ngayon ay P12 kada kilowatt hour. Imbes bumaba ang singil ay patuloy pa itong tumataas.

Iginiit ni Matibag, mas pinili ng Meralco ang kumita bilang supplier ng koryente kaysa gamitin ang kanilang market power bilang monopsony na dapat ay mababa ang singil.

“The luxurious profit guaranteed by the Energy Regulatory Commission or ERC as a distributor of electricity is not enough for Meralco shareholders,” dagdag ni Matibag.

Dahil dito, hinikayat ni Matibag ang kapwa mambabatas na suportahan ang panawagan ni Fernandez na hatiin o alisin nang tuluyan ang kapangyarihan ng Meralco na magsuplay ng koryente.

Naniniwala rin si Castro, bigo ang Energy Regulatory Commission (ERC) na i-regulate ang Meralco at matukoy ang mga palpak at kamalian ng serbisyo nito sa power distribution.

“There is a need to review the (Meralco) franchise, there is also need to hold the ERC accountable for its lapses for many years. I support the resolution of our colleague, Honorable Dan Fernandez,” ani Castro sa kanyang interpellation. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …