Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KC Concepcion Sharon Cuneta Gabby Concepcio

KC waging-wagi sa pagsasama muli nina Gabby at Sharon

KAGAYA ng naging tagumpay ni Helen of Troy, ang description ng isa naming kaibigan sa naging tagumpay ni KC Concepcion nang matupad ang kanyang pangarap na magkasama kahit na ilang sandali lang ang kanyang tunay na pamilya. Kasama niya ang ama’t ina niya sa Dear Heart Concert na guest lang naman siya. Nakita niyang napuno ang MOA Arena katunayan na mahal na mahal pa rin ng fans ang kanilang love team kahit na mahigit tatlong dekada na silang hiwalay. Iyong makita mo at mapatunayan sa sarili mo na mahal pala ng publiko ang mga magulang mo at gusto nilang magkasamang muli ang dalawa, aba eh napakalaking bagay niyon.

Tama namang desisyon na huwag na lang manood ang ibang anak ni Sharon dahil makikita pa nila na ang gusto pala ng mga tao na makasama ni Sharon ay hindi ang tatay nila, masakit naman iyon para sa kanila, at paano nga ba nila haharapin ang pagtitilian ng 25,000 sa pagkabuong muli ng minamahal nilang love team?

Ngayon lang nagkaroon ng love team na ganyan ka-celebrated ng publiko, matapos ang AlDub.

Panalo rin diyan si Sharon, dahil muling nakiliti ang fans sa pagsasama nila ni Gabby kahit na sa isang concert lng, at baka nga panoorin nila ang kanyang pelikulang kasali sa festival. Isang maliit na kompanya ng pelikula ang producer niyon at dapat lang na mabigyan ng pagkakataon para naman makawala na sa paggawa ng mga pelikulang indie.

Panalo rin si Gabby dahil lumalabas na siya na naman ang knight in shining armor, na tumulong para maibalik ang init ng popularidad ng dati niyang asawa, kahit na nga noong una ay tumanggi iyong makasama siya sa alin mang projects. Noon na lang lumamig ang kanyang popularidad at saka niya naisip na magkasama sila ulit ni Gabby, pero hindi rin iyon natuloy dahil naglabas naman ng mga demand si Gabby. Ngayon aminado na si Sharon na sa pelikula, dapat na si Gabby ang mauna naman sa billing dahil seniority wise, una iyong naging actor kaysa pag-aartista niya. 

Ikalawa payag na rin siya kung magkapantay man ang kanilang talent fee ni Gabby. Hindi niya aaminin pero sa ngayon dahil sa mga matagumpay niyong teleserye, mas mataas ang popularidad ni Gabby sa kanya.

Sana nga makagawa rin sila ng pelikula para lubusang makabawi ang career ni Sharon, at mapanindigan niya ang tawag sa kanyang Megastar. Kung ganoon namang payag na siya sa lahat ng demands ni Gabby at higit pa, walang dahilan para tanggihan pa ni Gabby ang kanilang pagtatambal.

Pero ang talagang panalo riyan ay si KC. Nakatutuwa naman iyong bata. Napuna lang namin ha, hindi naalagaan ang make up ni Sharon, nagmukha siyang matanda noong magkatabi sila ni KC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …