Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jodi Sta Maria Piolo Pascual Gawad Tanglaw

 ABS-CBN Best Media Company sa 20th Gawad Tanglaw 
PIOLO AT JODI PINAKAMAGALING NA AKTOR/AKTRES; THE BROKEN MARRIAGE VOW BIG WINNER 

APRUBADOpa rin sa mata ng mga taga-akademya ang iba’t ibang mga programa at personalidad ng ABS-CBNmatapos itong umani ng 12 parangal kabilang na ang Best  Media Company sa 20th Gawad Tanglaw.  

Iginawad din sa nangungunang content provider ng bansa ang parangal na Gawad Manuel L. Quezon University para sa Sining at Kultura ng Telebisyon. 

Maliban dito, big winner ang The Broken Marriage Vow na nakuha ang Best Teleserye award at Best TV Actress award para kay Jodi Sta. Maria. Sa kabilang banda, si Piolo Pascual naman ang nagwaging Best TV Actor para sa kanyang pagganap sa Flower of Evil.

Panalo namang Best TV Variety Shows ang It’s Showtime at ASAP Natin ‘To, habang ang hosts na sina Anne Curtis at Gary Valenciano ang tumanggap ng Gawad sa Sining at Kultura ng Paglilingkod sa Bayan.  

Pinarangalan din si Vice Ganda ng Gawad Dr. Debbie Francisco para sa Sining at Kultura ng Pangmadlang Komunikasyon. 

Samantala, nag-uwi rin ng mga parangal ang ABS-CBN News kabilang na ang Best TV Newscast para sa TV Patrol at Best TV News Anchor para kay Henry Omaga-Diaz. 

Kinilala rin sina Doris Bigornia at Alvin Elchico na Outstanding TeleRadyo Anchors, habang nagwaging Best Lifestyle Program ang At the Moment (ATM) ng ANC.  

Ang Gawad Tanglaw, o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw, ay binubuo ng mga kritikong pampelikula, iskolar, mga mananalaysay, at iilang miyembro ng akademiya na nagbibigay pagkilala sa mga natatanging programa at personalidad sa midya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …