Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP PRO3

Miyembro ng Sputnik Gang tiklo sa Php750k halaga ng iligal na droga 

Isang miyembro ng notoryus na gang ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala ni Police Colonel Amado Mendoza Jr., city police director ng Angeles CPO, kay PRO3 Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr., ang arestadong suspek ay kinilala sa alyas na ‘Amurao’, na kilalang miyembro ng Sputnik Gang na nasakote sa Interior St., Brgy. Ninoy Aquino, Angeles City.

Si alyas Amurao ay naaresto sa ikinasang anti-illegal drugs o buy-bust operation ng mga tauhan ng Police Station 6, Angeles City Police Office {ACPO}.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa operasyon ang may 110 gramo ng pinaghihinalaang shabu, na tinatayang may street value na mahigit PhP750,000.00.

Si alyas Amurao na nakatala bilang high-value individual {HVI} sa drug watchlist ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Articler Act 9165, o lalong kilala bilang Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Kasunod ng matagumpay na operasyon,  ang arestadong suspek gayundin ang mga nakumpiskang ebidensiya  ay dinala sa Police Station 6, ACPO, para sa nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …