Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eric Quizon Ara Mina

Ara at Eric ala Kuya Germs sa Starkada

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKAPOKUS ngayon ang atensiyon ng publiko kina Eric Quizon at Ara Mina.

Sila kasi ang napili na maging pinuno at mentors ng NET25 Star Center para sa 32 baguhang artistang babae at lalaki na mga StarKada artists na susubukang pasikatin ng bongga ng NET25.

Ang Starkada ay maikukompara sa classic teen show na That’s Entertainment noong 1980 na hindi na mabilang ang mga sumikat tulad nina Judy Ann Santos, Ruffa Gutierrez, Lea Salonga, at Billy Crawford Kasama rin sina Lotlot de Leon, Isko Moreno at marami pang iba. At lahat sila ay ginabayan ng Master Showman na si German Moreno Kuya Germs.

Katuwang nina Eric at Ara sina Wilma Galvante (Creative Consultant ng NET25) at Caesar Vallejos (NET25 President) sa pagpapakinang at paghubog sa mga bagong artista.

Base sa Starkada grand launch nila kamakailan sa EVM Convention Center sa gusali ng NET25 na nasilayan ang kanilang pagkanta at dancing skills, mukhang may ibubuga naman ang mga ito.

Bukod sa musical variety show, isasalang din ang mga bagets sa mga teleserye, short films at marami pang iba.

At sa guidance nina Ara (na incidentally ay naging member din ng That’s) at Eric ay mukhang isinilang na ang mga bagong breed ng big stars sa showbiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …