Monday , December 23 2024
MV Lady Mary Joy 3 Basilan

MARINA kinastigo, tameme sa nasunog na barko sa Basilan

TILA nilatayan ni Deputy Minority Leader Mujiv Hataman ang mga opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa kawalan ng sapat na sagot sa pagkasunog ng isang barko sa Basilan.

Nagbabala rin si Hataman na haharangin niya ang pondo ng ahensiya sa kasalukuyang pagdinig sa mga budget ng pamahalaan.

“Lagpas tatlumpong katao ang namatay sa nasunog na M/V Lady Mary Joy 3 sa Basilan noong Marso, pero tila walang maisagot na maayos ang ating mga awtoridad kung may nakasuhan na ba o anong parusa ang naipataw sa mga responsable sa trahedya,” ani Hataman.

Nanindigan ang kongresista ng Basilan na hihimayin niya ang pondo ng MARINA kung patuloy na iiwas sa mga tanong patungkol sa trahedya na nangyari noong Marso.

Ani Hataman, tila hindi sigurado ang hepe ng MARINA na si Hernani Fabia sa mga sagot nito sa mga katanungan.

“I asked about the status and findings of MARINA on the accountability of the owners of the M/V Lady Mary Joy 3 and if there were people charged. Sinagot ba naman tayo ng ‘parang na-suspend ang CTC ng barko’,” ani Hataman.

               “Ang sabi ko, bakit mo sususpendihin ang barko e nasunog na nga? Hindi sigurado ang head ng MARINA sa kanyang mga sagot, mukhang hindi handa sa mga tanong natin, kaya itinigil na natin ang pagtatanong,” dagdag ng kongresista.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …