Thursday , May 8 2025

Deadline ng CHED sa PLM, tapos na

NATAPOS na ang deadline na ibinigay ng Commission on Higher Education (CHED) sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) para mag-comply sa requirement na ang Presidente nito ay dapat na   may doctorate degree upang makakuha ng Institutional Recognition (IR) at makapag-avail ng government subsidy na nagkakahalaga ng P350 milyones.

Ang kasalukuyang pangulo nito ay si   Emmanuel Leyco.

Sa Resolution 285-2023 na nabuo sa  603rd regular Commission en banc meeting noong 30 Mayo 2023, nagsasaad na bago ang implementation ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017, ang PLM ay naikategorya sa local universities and colleges (LUCs), eligible upang makapag-avail ng benepisyo ng Free Higher Education component ng UAQTE.

Isinasaad sa resolution, hindi exempted ang PLM mula sa  determinasyon ng CHED para sa quality tertiary institutions na magiging beneficiaries ng nasabing  programa at noong Hunyo 2018, lahat ng LUCs na kabilang sa programa ay kailangang mag-comply sa parehong IR at 100 percent certificate of program compliance sa loob ng dalawang taon upang magtuloy-tuloy ang benepisyo.

Isa sa requirements upang makakuha ng IR, ang presidente ay dapat na may doctorate degree at ang LUCs na mabibigong mag-comply na magkaroon ng doctorate degree requirement para sa kanilang presidente ay tatangalin sa listahan at kokompirmahin ng UniFAST governing board sa nakatkdang board meeting sa Setyembre 2022.

“Based on the records of CHED -NCR, the current President of PLM has no earned doctorate degree, which is a requirement under existing CHED rules and regulations in order for an LUC to be granted Institutional Recognition,” ayon sa resolution.

Niresolba rin: “upon discussion and agreement… the Commission… directs PLM to comply within 15 days from receipt of this decision, with sanction that it will be recommended to the UniFAST Governing Board for delistment from the list of beneficiaries…”

Ang resolusyon ay nabuo noong  30 Mayo 2023, at nilagdaan ni CHED chair Prospero De Vera III at mga Commissioners na sina Ronald Adamat, Aldrin Darilag, Marita Canapi at Jo Libre at ang kopya ay natanggap ng   PLM noong 15 Agosto 2023.

Matatandaan, dalawang beses nang ‘invalidate’ sa Civil Service Commission (CSC) ang appointment ni Leyco dahil sa kabiguang ma-meet ang education requirement para sa posisyon bilang PLM president.

Ang inihaing petisyon ni Leyco ay ibinasura din at nilagdaan ni  CSC chairperson Alicia dela Rosa-Bala at CSC Commissioner Atty. Aileen Lourdes Lizada.

Pinatunayan nito ang  letter-decision na inilabas noong 13 Pebrero 2020 ng  CSC-National Capital Region (NCR) na nag-i-invalidate sa appointment ni Leyco dahil hindi niya na- meet ang education requirement para sa nasabing position.

Naghain ng petisyon si Leyco na i-review ang desisyon pero binasura ang kanyang petisyon ng CSC.

Sa desisyon nito, ini-apply ng CSC ang  Qualification Standards  (QS) na sinasaad sa ilalim ng  1997 Revised Qualification Standards Manual, at dito ay sinasaad ang mga  qualifications required para sa isang  state  university president gaya ng kaukulang doctoral degree at limang taong karanasan sa posisyon involving management at supervision. Parehong hindi ito na-meet ni Leyco.

Ikinategorya ng CHED ang PLM bilang local  university at dahil dito ay sakop ito ng nasabing  standards. Maliban sa pagkakaroon  ng  doctorate degree (Ph.D.) o Ed.D. (Doctor of Education), ang nasabing posisyon ay nire-require din ang “administrative and academic experience” o karanasan bilang dean, vice president o chancellor ng university. 

Isa pang  requirement ay “proven track record” bilang administrator  ng college o university. Dapat ay dati rin siyang President, Vice-President, Dean, Campus Administrator o Academic Director na direktang nagre-report sa President o Vice President ng institusyong pinaglilingkuran.

About hataw tabloid

Check Also

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …