Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Taguig LANI scholarship
NAGSIMULA na ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng Taguig sa Pitogo High School ng school package na may kasamang bag, PE uniform, medyas, rubber shoes, at health kit base sa kanilang grade level na personal na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano. Kasabay na inilunsad ang Lifeline Assistance for Neighbors in Need (LANI) scholarship program para sa mga estudyante ng EMBO barangays. (EJ DREW)

Taguig namahagi ng school supplies  
LANI scholarship program inilunsad

NAMAHAGI na ng school supplies ang Taguig City Government sa mga estudyante ng lungsod kasama ang mga nasa 10 EMBO barangays kahapon ng umaga.

Tumanggap ng school package na binubuo ng bag, daily and PE uniforms, socks, black shoes, rubber shoes, at kompletong set ng basic school supplies depende sa grade level ng mga estudyante.

Bibigyan rin ang mga mag-aaral sa Daycare at Kindergarten gaya ng emergency contact cards, at health kit na may kasamang bag, toothbrush, toothpaste, hand towel, at alcohol spray.

Personal na pinangasiwaan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi ng school supplies sa mga estudyante sa Pitogo High School at Upper Bicutan Elementary School kahapon.

“More than the material things na itu-turnover, ang presence po natin ngayon ay testament sa kahandaan nating lahat to really support our learners, to really support their dreams and aspirations in life, and to do our best to show them that we are ready to cooperate — handa tayong magkaisa ‘pag ang pinag-usapan ay ang kanilang future,” ani Mayor Lani.

Binigyang importansiya ni Pitogo High School Administrative Officer, Dr. Mary Rose M. Roque ang turnover ng school supplies at sinabing mahalaga ang araw na ito, ang araw na sama-samang sinalubong at niyakap ang pagbabagong pag-unlad at ang pangako ng kinabukasan.”

Nakipag-usap si Mayor Lani sa mga estudyante na nakatanggap ng mga gamit sa Pitogo High School at tinalakay ng alkalde ang iba pang programa at benepisyo para sa Taguig learners na nagpasalamat sa kanya.

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng school supplies sa lahat ng EMBO schools at sa iba pang paaralan sa District 1 & 2 ng Taguig hanggang matanggap ng lahat ng estudyante ang kanilang school packages.

Inilunsad ng Taguig LGU sa Pitogo High School ang Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program para sa mga estudyante ng EMBO barangays, hindi lamang para sa Senior High School graduates kundi sa lahat ng kalipikadong residente ng 10 bagong barangay ng lungsod.

Para sa kompletong alok na listahan ng scholarship at requirements, bisitahin ang taguig.gov.ph o Taguig Scholarships official Facebook page.

Maaaring tumawag ang mga aplikante sa Scholarships Office sa (02) 828-88560 o magpadala ng mensage sa Taguig Scholarships Facebook Page.

Inilinaw ng Taguig na hindi magiging isyu ang residency o registration requirements dahil kikilalanin nila ang residency at registration sa EMBO barangays bilang valid at sapat na pagtalima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …