Isa-isang bumagsak sa kamay ng batas ang labindalawang notoryus na tulak at sampung wanted na pugante sa sunod-sunod na mga serye ng police operations sa Bulacan hanggang kahapon, Hunyo 21.
Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, na sa mga serye ng anti-drug busts na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng Malolos, San Rafael, Sta. Maria, San Miguel, Guiguinto, at Bocaue C/MPS ay nagresulta sa matagumpay na pagkaaresto sa labindalawang suspek sa droga.
Kinilala ang mga ito na sina Renato Nodalo, Angelito Piad, Arvin Santiago at Jamaica Arguilles ng Malolos City; Michael Angelo Abigan ng San Rafael; Victor Diche ng Sta. Maria; Jaymark Villanueva ng Sta. Rita, Guiguinto, Edizon Guanzon ng Bulihan, Malolos City; Marry Ann Hagonos, Jimmy Ramos at Benjie Amante ng Bocaue, Bulacan; at Jerry Dizon alyas “Ongdek” ng San Isidro, Nueva Ecija na kabilang sa PNP PDEA Watchlist.
Nakumpiska sa mga suspek ang 34 pakete ng pinaghihinalaang shabu na may DDB estimated value na PhP 108,760, drug paraphernalia, at buy-bust money.
Samantala, sampu namang katao na wanted sa batas ang arestado sa bisa ng warrant of arrest sa iba’t-ibang pursuit operations na inilatag ng tracker team ng 1st at 2nd PMFC, Balagtas, SJDM, Norzagaray, Meycauayan, San Rafael, Balagtas, at Bocaue C/MPS.
Dalawa sa mga ito ay kinilalang sina Ruel Regnim na may kasong Qualified at Statutory Rape; at John April Porlaje para sa kaso ring Rape, na kapuwa walang inirekomendang piyansa para sila ay pansamantalang makalaya.
Ang iba pang wanted na may kasong kriminal ay arestado sa mga paglabag sa RA 7610, RIR in Damage to Property at Physical Injuries, Ecological Solid waste Management Act of 2000, Slight Physical Injuries, Alarm and Scandal.
Lahat ng mga naarestong suspek at akusado ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/stations para sa nararapat na disposisyon.(Micka Bautista)