Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga baby

Diego umiwas nang matanong ukol sa pagiging bagong ama?

RATED R
ni Rommel Gonzales

PINAG-USAPAN ang pasabog na Instagram post ni Diego Loyzaga noong June 8 ukol sa larawan niya na may kalong na baby at ang caption niya ay, “The best birthday gift ever.”

Ang birthday ni Diego, who turned 28 ay noong May 21.

At sa presscon ng Will You Be My Ex? na si Diego ang leading man ni Julia Barretto, natanong ang aktor tungkol sa kanyang pagiging bagong ama.

Via zoom dumalo si Diego sa mediacon dahil kasalukuyan siyang nasa Perth sa Australia habang ginaganap ang presscon noong Linggo, June 11.

Si MJ Marfori ng TV5 ang naglakas-loob na magtanong kay Diego tungkol sa pagiging bagong ama nito, pero bago ang pasabog pag-urirat ay kinumusta muna ang pag-stay ng anak ni Cesar Montano sa Australia.

Nakatulog ka na ba o puyat na puyat ka? Kumusta?” ang tanong ni MJ sa aktor.

I came back there mga April and we were supposed to have a presscon,” umpisang sagot ni Diego, “pero it didn’t push through ‘coz I’m back here again now.

And then last night was a celebration for Philippine Independence Day so, Happy Independence Day to everybody out there.

“And it was really a big celebration here in Perth. It was in a big hotel and I was part of it. Saya, we went out.

 “Aside from that, there are other reasons why lagi akong puyat lately, so these eyebags, pinaghirapan ko ‘yan.

“I am doing good, thanks for asking. Nakatulog na ako.”

Rito na sumundot ng tanong si MJ kay Diego ng, “So you’re well-adjusted as a new dad?”

Pero dahil sa mabagal o mahinang internet connection ay hindi na nasagot ni Diego ang tanong ni MJ.

O baka nga dahil sa unstable ang internet connection ni Diego kaya nahirapan siya na marinig ang ilan mga tanong sa kanya.

Sinabi naman ng mediacon moderator na si Jean Kiley sa pagbabalik ni Diego sa Pilipinas ay marahil masasagot na nito ang mga katanungan tungkol sa kanyang personal na buhay lalo ang tungkol sa sanggol na kalong niya sa larawan sa kanyang IG post.

Ipalalabas sa mga sinehan ang Will You Be My Ex? sa June 21 na tampok bukod sina Diego (as Joey) at Julia (as Chris) kasama sina Bea Binene bilang si Yanna at Divine Aucina bilang si Jonjie.

Ang pelikula ay sa direksiyon ni Real Florido at mula sa produksiyon ng Studio VivaFirestarters Production, at Viva Films

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …