Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lee Seung-Gi Chavit Singson 3

Manong Chavit at Lee Seung Gi magko-collab sa mga negosyo

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TATLONG araw muli ang kanyang gugugulin sa pagbabalik niya ng Pilipinas, matapos ang pakikitalamitam sa kanyang mga tagahanga sa isang show sa New Frontier. Hindi ikinabahala ng mga tagahanga ng Korean Oppa na si Lee Seung Gi kung may pagbabadya man ng parating na bagyong Betty.

Sa hangar ni Gov Manong Chavit Singson lumapag ang private plane nito lulan si Lee Seung Gi at entourage noong Biyernes.

Bago dumating si Lee Seung Gi, nakausap ng media si Manong Chavit at nabanggit nga nito ang pakikipag-collab sa Korean singer sa ilang mga negosyo at proyekto ng LCS Group of Company niya na nakakalat sa maraming bansa, lalo na sa Korea.

Samantala, natuwa ang mga na-miss din naman ni Manong na media sa mga itinanong sa kanya.

Lalo sa lovelife. At nag-isa-isa na nga  ng mga pangalan ng celebrities na naikabit sa pangalan niya.

Napakaganda ng ngiti nito nang banggitin si Yen Santos.

Itanong niyo kay Paolo (Contis)!” ang ganting sagot nito.

Ayaw daw muna niyang sumalang sa politika. Pero tutulong naman kung may kailangang suportahan.

Nagka-ayos na nga sila ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiaio, nang anyayahan siya nito sa kaarawan ng huli.

Kung senador, susuportahan ko siya. Pero kung residente hindi talaga!”

Aminado naman ang butihing Manong na si BBM ang sinuportahan niya nitong nakaraang eleksiyon.

Panay katuwaan ang ikot ng tsikahan with Manong Chavit at gusto talagang malaman kung may karelasyon ba siya ngayon. Naghahanap nga raw siya. Basta virgin! Kaya may nagtanong sa kanya, paano niya malalaman.

Alam daw niya sa amoy pa lang. Naihit kami sa katatawa.

Hindi na rin malayo na bukod sa mga napo-produce na niyang events ay pelikula na ang kasunod nitong gawin na malamang na si Lee Seung Gi ang bida.

Kabilang sa mga negosyo ni Manong Chavit sa kanyang LCS Group of companies na may opisina sa Gangnam area ng Korea ay ang GAC Motor, Baluarte, Casha, 65th Miss Universe, Satrap, Go Sport, Pargum  Triton, Blemp, LCS Tower Project, at ang Platinum Skies. At ang name ng Chief International Officer niya in Korea ay si Hyunsoo Jack Noh.

At isa riyan, malamang na sa Platinum Skies (na sa Aviation at airline services)  maging bahagi si Lee Seung Gi!

Napakaraming nais na gawin si Manong Chavit. To bring the Philippines sa global map. Gagawa siya ng grupo para mag-train din ng Koreans dito sa bansa at mapalaganap ang ating kultura sa pamamagitan nila. Na nagagawa na ng mga Koreano sa atin.

Manong Chavit’s group is committed to business excellence, leadership, entrepreneurship, service, nationalism, equality and employee welfare! .

Sino kaya ang virgin na makikilala pa ni Manong Chavit?  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …