Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon Wing Commander

Allen Dizon ratsada sa projects, endorser ng Wing Commander

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HATAW to the max si Allen Dizon maging sa pelikula man o sa TV. Ang award-winning actor na si Allen ay aktibo rin sa TV at bahagi ng top rating na show sa GMA-7 titled Abot Kamay na Pangarap.

Sa pelikula naman ay sunod-sunod at mga bigatin ang proyekto niya. Kabilang dito ang Ligalig with Nora Aunor, Pamilya sa Dilim kasama si Laurice Guillen, Walker with Sunshine Dizon, at ang AbeNida ni Direk Louie Ignacio, na tinatampukan din ni Katrina Halili. Ginagawa na rin ngayon ni Allen ang Acetylene Love with Jaclyn Jose at ang pelikulang Poon with Janice de Belen.

Ngayon ay endorser na rin si Allen ng Wing Commander restaurant.

Nabanggit ni Allen kung bakit tila nalilinya siya sa food business.

“Kasi siguro iyon yung kailangan ng tao, eh, basic need ng tao. Tapos mahilig ako sa mga pagkain din. And para sa akin kasi, kung ibang mga negosyo naman, like, for example yung hindi mo kabisado… naumpisahan ko na ito before, yung Kenny Rogers, so nakita ko naman na okay iyong food business.”

Dagdag pa ni Allen, “Lalo na yung mga Kapampangan, mahilig sa pagkain, maarte sa pagkain. 

“Eh, itong Wing Commander, kumbaga masarap yung food nila, kaya kahit na hindi ako yung endorser kumakain ako rito.”

Sa contract signing ni Allen, inusisa ang owner ng Wing Commander na si Jefferson Besas kung bakit ang aktor ang kinuha niyang endorser.

Tugon niya, “Unang-una po, dahil favorite ni Kuya Allen kumain sa Wing Commander, and then, of course, sino ba ang tatanggi o magdadalawang isip na kunin si Kuya Allen Dizon na talaga namang multi-awarded actor po.

“Grabe iyong awards niya, kumbaga ano siya eh, parang sleeping giant na bigla na lang eto… magugulat ka sa kanyang background, sa kanyang mga awards… I believe it’s a a total of 48 acting awards both here and abroad. So iyong character niya, kumbaga ay mabibitbit din iyong Wing Commander… so he has a very good name, I believe.”

Ang Wing Commander ay may branches sa Antipolo, Cainta, Marikina, at Tagaytay. Ito ay open for franchising at sa mga interesado, maaari silang makipag-ugnayan kay Sheena Kotik ng RK Franchise Consultancy sa rkfranchise.com.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …