Sunday , December 22 2024
Mama Mary Padre Pio

Pinagmilagruhan kami ni Lakam Chiu ng Mahal na Birhen at Padre Pio 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA namin iyong post ni Lakam Chiu, nakatatandang kapatid ni Kim Chiu. Hindi rin naman niya sinabi kung ano talaga ang naging sakit niya, basta matagal siya sa ICU at matagal siyang unconcioous. Malala talaga iyon, kasi kami naranasan na rin

namin iyang nasa ICU pero may malay naman kami. 

Pero tama ang kanyang sinabi, hindi iyon dahil sa mahuhusay na doktor at mamahaling gamot, gumaling siya sa awa ng Diyos at dahil sa pamamagitan din ng Mahal na Birheng Maria at ni Santo Padre Pio ng Pietrelcina. Deboto rin kami ng mahal na Birhen at ni Padre Pio. 

Nitong huli naming pagkakasakit, kagaya nga ng sinabi namin makakabangon kami bago ang petsa 23 ng buwan na siyang araw ni Padre Pio. Nakakalakd kami nang may tungkod dahil nawawala pa ang balance namin, pero noong Biyernes, kapistahan ng Mahal na Birhen, Ina ng Walang Mag ampon sa Santa Ana, lumakad kami nang walang walking stick at nakayanan na namin. Talagang may milagro sa maniwala man kayo o hindi. May himala. Huwag kayong maniniwalang wala.

Siguro sabi nga ni Lakam, kaya binigyan pa siya ng Diyos ng pagkakataong mabuhay ay dahil may kailangan pa silang gawin talaga, eh siya raw ang tumatayong parang nanay ni Kim simula nang mamatay ang nanay nila eh.

Nakatutuwa iyang mga balitang ganyan, kaysa puro tsimis na wala namang pupuntahan.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …