Sunday , December 22 2024

Mga artistang ‘di itinanghal na National Artist basura?

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAHIT ano pang award ang natanggap mo, kung hindi ka National Artist, basura ka,” ang mabigat na statement ng isang movie writer sa kanyang social media account.

Ano ba iyang National Artist? Iyan ay hindi batayan ng kahit na ano kundi isang political award din.

Ang batayan niyan ay isang proclamation na ginagawa ng presidente ng batay sa rekomendasyon ng CCP at NCCA, dalawang ahensiya na nasa ilalim din ng tanggapan ng pangulo. Kung ayaw sa iyo ng presidente, maghuhumiyaw man silang magaling ka wala rin. Hindi ba on record, si

Nora Aunor mismo dalawang beses na na-reject  ng dalawang magkasunod na presidente dahil sa naging  kaso niya sa droga sa US noon?

Idineklara nga lang siya ni Presidente Digong Duterte noong paalis na iyon sa

puesto? Paano mong masasabi na basta hindi ka National Artist basura ka? Basura ba sina Gloria Romero, Charito Solis, Carmen Rosales, at Lolita Rodriguez  Masasabi mo bang basura sina Mang Dolphy at Chiquitodahil hindi rin sila National Artists? MUkhang mali ang pananaw at kulang sa pag-aaral ang statement na iyon.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …