Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Voltes V Legacy

Voltes V dapat nating ikatuwa, kahanga-hanga ang pagkakagawa

HATAWAN
ni Ed de Leon

HONESTLY tuwang-tuwa kami nang mapanood ang movie ng Voltes V. Hindi lang naibalik niyon sa aming alaala ang panahon ng aming kabataan, pero nakatutuwa na iyon ay ginawang lahat ng mga Filipino artist at maganda ang opticals nila ha. Iyang ganyang mga anime, nakasalalay iyan sa husay ng mga cartoonist na gumagawa ng material para sa opticals ng pelikula. 

Kung palpak ang artists, palpak din ang opticals niyan. Pero iyong anime nila, lalo na iyong Voltes V robot sa pelikula, napakaganda, at siguro nga dapat nating ikatuwa ang pelikulang iyan. Hindi namin iniisip noong panahon ng Voltes V na ang mga Filipino ay makagagawa ng ganyan. 

Noon ang paniwala, Japan lang at Hongkong ang makagagawa niyan sa Asya. Sila lang kasi ang may facilities noon para sa isang anime. Rito sa atin camera trick pa

lamang ang nagagawa. Malayo tayo sa kanila talaga technically, pero ngayon nakahabol na tayo at kaya na nating pumantay. 

Ibig sabihin malapit na ang araw na makagagawa na tayo ng mga pelikulang gaya ng mga action movie na kagaya ng ginagawa ng Marvel. Lumalaki na ang

chances natin para mas mapalawak ang market para sa ating mga pelikula.

Isang malaking hakbang iyan para maisulong ang industriya ng ating pelikula. Hindi naman tayo makasusulong talaga kung ang aasahan natin ay local market lang. Pero mali ang attempts noong nakaraan na parang mga sex film ang ating ginagawa at dinadala sa mga festival sa abroad.

Kaya ang naging  image natin ay gumagawa lang ng mga low quality sex films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …