Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alisah Bonaobra Jole Mendoza

Alisah Bonaobra, pinuri sa ganda ng version ng Hanggang Kailan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA ginanap na mediacon ni Alisah Bonaobra last Friday sa Pandan Asian Cafe sa Tomas Morato, para sa launching ng “Hanggang Kailan” na originally ay kinanta ni Angeline Quinto, sinagot niya ang tanong kung bakit dapat suportahan ang version niya ng award-winning composer na si Joel Mendoza?  

Pahayag ng talented na singer, “Why you should support my version of Hanggang Kailan? It’s because it’s a Composer’s Cut and it’s different from the original version. And because this is an OPM song,”

May pressure ba nang ini-revive niya ang kantang ito?

Tugon ni Alisah, “Ay, oo naman po! Kasi siyempre, ultimate idol ko po talaga si Angeline Quinto. And almost all her songs, kinakanta ko sa karaoke po. So nang sinabi sa akin na we will revive the song, grabe, sobrang speechless po ako.”

Aniya pa, “We recorded the track for six hours with Joel Mendoza as my vocal couch. Sir Joel’s intense body language while we were in the studio all pointed to achieving what’s best for our version.”

Tiniyak naman ni Joel na ibang-iba ang bagong version ng isinulat niyang kanta noong 2014 na “Hanggang Kailan.”

Ang naturang kanta ang ipinanlaban ng Kapamilya singer-actress na si Angline sa “Himig Handog P-Pop Love Songs” mahigit isang dekada na ngayon ang nakararaan.

Puring-puri naman ni Joel si Alisah sa ganda ng version nito ng Hanggang Kailan.

Wika ni Joel, “Magaling si Alisah. She is vocally good and there’s excellent communication and understanding while we’re recording. Masayang-masaya ako sa version ni Alisah.”

Ipinahayag pa ni Joel na dapat suportahan at pakinggan ang version ni Alisah dahil ibang-iba ito sa version ni Angeline.  “Please po pakinggan ninyo ang version ni Alisah. Kasi iyon po ang talagang gusto kong iparinig, iyong gusto kong i-share na istorya ng kanta, iyong kompleto. Hindi ‘yung nangyari sa version ni Angeline, na parang pinalitan ng producer yung lyrics, binago, and everything like that. At wala pong kasalanan si Angeline roon.

“Kasi mayroon po kaming limitation, four minutes for the contest (Himig Handog) and sabi po sa akin, hindi naman pang-radio ang version ni Alisah, especially ngayon, hindi na uso ‘yung radio, Spotify na po at digital na ang plarforms, sa YouTube and everything. So wala na po tayong limit na four minutes.”

Anyway, nagbalik sa bansa si Alisah makalipas ang ilang taong pananatili sa US para subukang ma-penetrate ang market doon para sa kanyang international career.

Si Alisah ay itinanghal na runner-up sa The Voice of The Philippines 2014 at three years later ay nagpakita ng husay sa X Factor UK and naging isa sa finalists dito.

Ang “Hanggang Kailan” ay mula sa San Francisco-based na RJA (Rosabella Jao-Arribas) Productions at distributed ng Star Music PH.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …