Sunday , December 22 2024
Ron Antonio Zumba King

Zayaw Saya 2023 ni Zumba King sa April 23 na

RATED R
ni Rommel Gonzales

PASABOG ng Zumba King na si Ron Antonio ang Zayaw Saya 2023. Ito’y gaganapin sa Linggo, April 23, 1:00-8:00 p.m., sa Quezon Memorial Circle. 

Layunin ng fitness event na ito, to “aims to promote healthy lifestyle through a fun Zumba experience with games, dance showcase, concert, and Zayaw party” at dadaluhan ng humigit-kumulang sa 4,000 fitness enthusiasts.

Ito ang pinakamalaking event ni Ron simula noong magkaroon ng pandemya.

Nagdetalye si Ron tungkol sa brand niyang Zayaw Pilipinas.

“Zayaw is something I created in 2016, kasi Filipino tayo eh, I’m very nationalistic, so sabi ko kailangan ng Pilipinas ng sarili niyang Zumba, kaya ko po naisip ‘yung Zayaw Pilipinas.

“Kasi po Filipino ‘yun, para sa Filipino, so I created original music, nagko-compose po ako together with a friend, nag-produce kami, and may sarili din kaming sayaw, steps, and very soon magkakaroon din tayo ng Zayaw Pilipinas Instructor.”

Binansagang Zumba King si Ron Antonio na dating miyembro ng That’s Entertainment at ng all-male group na Wiseguys.

Nakapagtala si Ron sa Guinness Book Of World Records noong 2018 ng record-breaking Zumba event na dinaluhan ng halos 14,000 participants na ginanap sa Camarines Sur. 

Inorganisa sa ilalim ng Zayaw Pilipinas brand ni Ron, kinilala ito ng Guinness bilang biggest Zumba class in history.

Bilang Zumba King pa rin ay nabigyan ng pagkakataon si Ron noong 2018 na maging co-host sa Zumbarangaysegment ng Eat Bulaga!

Bukod dito, may mga award na nakamit si Ron sa larangan ng Zumba at pagsasayaw tulad ng pagiging multi-gold medalist sa 2019 World Championships of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Amerika.

May mga dance album din si Ron na naging nominado bilang Best Dance Recording noong 2016 (Zayaw Pilipinas) at noong 2021 (Hagod) sa Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club.

Si Ron din ang kauna-unahang Filipino na nakapag- release ng OPM Zumba music album.

Samantala, ang Zayaw Saya 2023 ay hatid ng Dayzinc, Easylife, Dermatonics, Nutri10Plus, and made possible by Silka, Jeunesse Anion, So Sure, Bioderm, Omega, C-Lium Fibre, Fishermall, Happy Zleep, Bluumz, and Tough Mama Appliances.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa 09177039564 or 09177167261 o mag-email sa [email protected].

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …