Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Voltes V Legacy

Carla hindi nabitin sa pagiging Mary Ann Armstrong

RATED R
ni Rommel Gonzales

MATINDING excitement na ang nadarama ni Carla Abellana dahil ipalalabas na ang Voltes V: Legacy sa telebisyon sa May 8, bukod pa sa The Cinematic Experience na mapapanood ang special edit ng unang tatlong linggo nito sa mga SM Cinema simula kahapon, April 19.

Base sa hit anime series ng Japan na ipinalabas dito sa Pilipinas noong May 1978, alam ng publiko, lalo na ng avid fans ng serye na hindi ganoon kahaba ang naging parte ni Mary Ann Armstrong sa kuwento ni Voltes V.

Ayos lang kay Carla na gaganap bilang Mary Ann ito. Hindi siya malungkot na hindi siya mapapanood sa buong pag-ere ng anime sa GMA Network.

“Naku wala pong lungkot whatsoever! In fact, para po sa akin more than enough na po ‘yun na in terms of ‘yung time and exposure, parang ganoon po, aware naman po ang lahat most especially ‘yung fans ng ‘Voltes V’ doon sa role na Mary Ann Armstrong. 

“Hindi naman po secret ‘yan, ‘yung kanyang appearance, ‘yung exposure po niya and kung ano ‘yung nangyari sa character ni Mary Ann Armstrong.

“So ako po hindi po, grabe sobrang hindi po, hindi po ako nabitin, mabilis kung tutuusin po ‘yung role pero hindi ko po naramdaman ‘yun in terms of ‘yung sa taping, sa aking pagiging part po ng production. Hindi ko naramdaman ‘yun kasi ilang buwan din po akong… actually one year, one year din akong naging part ng production, spread out po talaga siya.

“So kung maikli man po ‘yung exposure ni Mary Ann Armstrong onscreen, eh ‘yung behind-the-scenes hindi po, kaya wala pong bitin-bitin, wala pong ganoon.

“So sobrang na-enjoy ko po ‘yung buong proseso.”

Ang mga bida at miyembro ng Voltes V team ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortegabilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert, at Raphael Landichobilang Little Jon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …