Friday , January 10 2025
Benz Sangalang Azi Acosta

Benz Sangalang, pinaka-challenging na movie ang Sex Games

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Benz Sangalang na pinaka-challenging na movie niya ang Sex Games.

Mula sa panulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee, ito ay pinamahalaan ni Direk McArthur C. Alejandre at ang

world premiere ng pelikula ay ngayong April 28, sa Vivamax! Bukod kay Benz, tampok sa Sex Games sina Azi Acosta, Josef Elizalde, at Sheree Bautista.

Paano niya ide-describe ang pelikulang Sex Games? Bakit Sex Games ang title nito?

Pahayag ni Benz, “Magandang pelikula po talaga ito dahil isinulat ng National Artist na si Ricky Lee at award-winning director na si Mac Alejandre. Ang movie po, masasabi kong unpredictable po iyong story.”

Aniya pa, “Kaya po Sex Games ang title, kasi ay laro po ito ng mag-asawa, sa pag-e-experiment sa kanilang relasyon.”

Nabanggiut pa ni Baenz na ang partner niya sa movie ay si Azi Acosta.

May love scene ba sila rito ni Sheree? “Iyan po ang aabangan nila, kasi isa iyan sa pinakamahalagang part ng movie, hehehe,” nakangising wika ng guwapitong talent ni Jojo Veloso.

Inusisa rin namin ang hunk actor kung paano siya naghanda sa role na seminarista?

Tugon ni Benz, “Opo seminarista ang role ko rito, sa totoo lang po nabigla ako sa role ko rito. Kasi halos karamihan ng mga roles ko before ay medyo maangas or bad boy. Pero dahil sa guidance ni direk Mac at ni tita Angie, ang aming acting coach, kaya naman po na-execute namin ng tamang emosyon talaga.”

Ipinahayad din ng aktor na ito ang pinaka-challenging na role niya so far.

Aniya, “Sa totoo lang po so far ito ang naging pinaka-challenging na role para sa akin dahil nga mas komportable ako sa mga Tonix na tipo ng role (papel niya sa Sitio Diablo), pero alam ko po na sa mga ganitong ibang klaseng role ako magiging isang versatile na actor.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc, sumabak na rin sa politika

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAHALAGANG taon at malaki ang magiging pagbabago ng 2025 sa singer, lawyer, …

MMFF 50

Kontrobersiya sa MMFF 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAYA naman ‘yung mga traydor na hanggang ngayon ay naglilinis-linisan sa …

Vilma Santos Ed de Leon

Ate Vi dinalaw puntod ni Kuya Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For …

Cristy Fermin Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Cristy kinuwestiyon si direk Darryl Yap; respeto sa kapwa iginiit

KONTRA si Cristy Fermin sa pagsasapelikula ni Darryl Yap ng The Rapists of Pepsi Paloma. Ang dahilan, tila gusto raw …