Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas Kiko Estrada

Pelikulang Sapul nina Christine, Kiko, at Jeric, mapapanood na sa Vivamax sa April 21

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NGAYONG April, kaabang-abang ang pelikulang Sapul, isang sexy-action drama na pinagbibidahan nina Christine Bermas, Jeric Raval, at Kiko Estrada na mapapanood sa Vivamax.

Kuwento ito tungkol sa pagkakaibigan, pamilya, at pagiging tapat sa tungkulin. Panoorin ang Sapul, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong April 21, 2023.

Ordinaryong araw lang sa trabaho ang inaasahan ni P03 Leandro Acuba (Jeric), isang marangal at tapat na pulis na laging sumusunod sa batas.

Pero ang akala niyang normal na araw ay magiging magulo at maaksiyon pala dahil sa pagpunta at paghingi ng tulong ni P01 Isidro Ticzon (Kiko) sa mga kaibigan sa police station, isang pulis na matalik na kaibigan at parang kapatid na ang turing ni P03 Leandro.

Nagkakaroon ng problema si P01 Isidro at ang asawang si Shiela (Christine) kaya humihingi siya ng payo kay P03 Leandro at sa kanilang Chief-of-Police. Pero nang biglang mag-amok si P01 Isidro at mang-hostage ng katrabahong babae, kakailanganing gumawa ni P03 Leandro ng desisyon kung magiging tapat ba siya sa tungkulin o tutulungan ang kaibigan?

Paano mababago ng insidenteng ito ang relasyon nina P03 Leandro at P01 Isidro? Wala na bang pag-asang natitira para kay P01 Isidro? O posible pa siyang makabangon muli sa tulong ni P03 Leandro?

Ang Sapul ay isang Vivamax Original Movie sa direksyon ni Reynold Giba, na gumawa at sumulat na rin ng iba pang Vivamax Originals gaya ng Bata Pa Si Sabel, Alapaap, Virgin Forest, Bahay Na Pula, at Sisid.

Bibida sa Sapul ang Vivamax Star na si Christine, ang 90s action star na si Jeric at ang millennial heartthrob na si Kiko. Kasama rin sa pelikula sina Phoebe Walker, Ada Hermosa, Simon Ibarra, Chad Solano, Ina Alegre, at Suzette Ranillo.

Handa ka bang gawin ang lahat para sa sinumpaang tungkulin? Kahit pa madamay at masaktan pati ang mga taong malalapit sa iyo?

Abangan ang pelikulang siguradong aasinta at tatagos sa inyong puso. Mapapanood na ang Sapul sa Vivamax simula ngayong April 21, 2023. Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …