Monday , December 23 2024
Distributor ng bulto-bultong Marijuana sa Bulacan nasakote sa Benguet

Distributor ng bulto-bultong Marijuana sa Bulacan nasakote sa Benguet

 Labinglimang kilo ng cannabis sativa o marijuana na umaabot sa halagang Php 1,700,000 ang nasamsam sa dalawang drug peddlers na sangkot sa bulto-bultong pagkakalat ng marijuana sa Bulacan kasunod ng buy-bust operation kahapon sa private parking lot sa Barangay Balili, La Trinidad, Benguet.

Ang mga naarestong suspek ay kinilala ng operating teams na sina Marion Tinapen Asislo, alyas Richard, 35, mula sa Sasaba, Santol, La Union; at Amado Paycao y Anatel, 40, na nakatira naman a Bay-o Sasaba, Santol, La Union.

Ang mga nadakip ay sangkot sa bulto-bultong pagkakalat ng marijuana sa Bulacan at karatig-lalawigan sa  Central Luzon, ayon sa PDEA Bulacan Provincial Officer.

Ang pinabitag na operasyon ay nagbunga sa pagkakumpiska ng 14 na piraso ng tape-wrapped tubes na naglalaman ng humigit-kumulang sa 15 kilos ng pinaghihinalaang tuyong dahon ng  marijuana na tinatayang may street value na Php 1,700,000.00; at marked money na ginamit ng poseur buyer.

Ang operasyon ay ikinasa ng magkasanib na mga operatiba na pinamumunuan ng  PDEA Bulacan Provincial Office at PDEA CAR.

Ang mga nakumpiskang piraso ng ebidensiya ay dadalhin sa PDEA-CAR Laboratory Section para sa forensic examination.

Naaangkop na mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o kilala rin sa  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …