Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bela Padilla Yoo Min Gon

Korean actor na kapareha ni Bela naiyak sa premiere night

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASAYANG rumampa ang actress-director na si Bela Padilla sa red carpet premiere ng Yung Libro Sa Napanood Ko ng Viva Films at Whiskey Marmalade Productions pero kabang-kaba pala siya ng mga oras na iyon

Ayon sa aktres, inatake siya ng matinding kaba bago pa man simulan ang pagpapalabas ng kanyang pelikulang idinirehe at pinagbibidahan kasama sina Lorna Tolentino ang ang Korean actor na si Yoo Min Gon ng gabing iyon.

Kabado si Bela dahil naiisip niya kung magugustuhan ng manonood ang kanilang pelikula lalo’t mayroong subtitles.  

Maayos namang nailatag ni Bela ang pelikula bagamt may mga tagpong medyo mabagal at nabagot kami. Nanghinayang din kami na hindi masyado nagamit ang magagandang lugar sa Korea na ipinakita sa pelikula. 

Pero in fairness, maganda ang istorya ng Yung Libro Sa Napanood Ko na ang twist ng kuwento ay ikatutuwa ng sinumang manonood.

Ibinuking naman ni Bela na naiyak ang partner niya sa pelikula na si Yoo Min Gon habang nanonood sa premiere night.

Ani Bela, “Napanood na niya ito. Pero first time naming napanood sa sinehan. Napanood na niya ito kasi nga nagpatulong kami sa subtitles. Siyempre gusto kong i-check kung tama yung translation ng humor, drama. 

Kaya naman andoon talaga siya  sa buong shooting.

“At nagtanong kami sa kanya kung puwede niya kaming tulungan sa subtitles. Actually, napanood na niya itong movie before. Pero kanina, nagulat ako, umiiyak siya. Pagtingin ko sa kanya, super punas na siya ng luha,”nangingiting pagbabahagi  ni Bela.

“Pero I understand the feeling. Kasi ganyan na ganyan ang pakiramdam ko noong first premiere night ko ever, the first time na nabigyan ako ng break.

“Parang, I get the overwhelming feeling na parang, ‘Ah, eto na ‘yung ginawa namin. Napapanood ko na siya sa big screen!’ Siguro nadadala rin siya na nagre-react kanina ang mga tao lalo na sa ibaba,” sabi pa ni Bela.

Kasama rin sa pelikula si Boboy Garrovillo at mapapanood ito bilang bahagi ng 1st Summer MMFF simula Abril 8 hanggang Abril 18. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …