Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juan dela Cruz ni Coco, isang phenomenon!

ANG Juan Dela Cruz ang pinakamatagumpay na fantaserye ng ABS-CBN, kaya masasabi naming isa siyang phenomenon!

Consistent kasi sa pagiging number one ang JDC kung ratings ang pag-uusapan. Never pa itong natalo mula nang umere ito sa Kapamilya Network. Bukod sa rating, balita namin ay malaki rin ang contribution ng JDC pagdating sa ad load ng ABS-CBN. Consistent siya sa pagiging loaded with commercials, bongga ‘di ba?!

Napag-alaman din naming na pati ang merchandise ng JDC ay hit na hit sa mga bata gayundin ang 2 volumes ng JDC ay talaga namang patok na patok! Kaya naman puwedeng masabing, bawing-bawi na ang Dos sa malaking gastos nila sa JDC.

Bukod sa mga nabanggit sa itaas, ang pinaka-importante kaya nangunguna ito ay ang ganda ng takbo ng istory, mounting, at acting. Tunay naman kasing mga actor ang mga bida rito mula kay Coco Martin hanggang kina Erich Gonzales, Albert Martinez, Zsa Zsa Padilla, Gina Pareno, at Eddie Garcia na talaga namang winner. Kudos din kina Shaina Magdayao, Martin del Rosario, at John Regala mahuhusay din!

Kahit naman noong buhay pa ang karakter ni Joel Torre bilang Pepe, kapuri-puri rin ang ipinakita niya rito. Kaya binabati natin ang mahuhusay nilang director na sina Malu Sevilla, Avel Sunpongco, at Jojo Saguin gayundin ang creative ng Juan Dela Cruz dahil isa na siguro ito sa mga fantaserye na kinagat mula bata, matanda, babae, lalaki, at mga bata.

Tila hindi kompleto ang weekdays ng karamihan kapag hindi nakatututok sa Juan dela Cruz.

Dahil dito, binabati namin ang Dreamscape for coming up with such brilliant concept sa primetime. Let’s see kung matatapatan ng mga gustong um-attempt ang na-achieve ng Juan Dela Cruz.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …