Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla Aljur Abrenica AJ Raval

Aljur iwas pag-usapan si AJ; inaming nag-uusap sila ni Kylie para sa mga bata

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY ginawang horror film si Aljur Abrenica titled Jeongbu mula direksiyon ni Topel Lee. Ito ang first time na gumawa siya ng isang horror film. 

Ayon kay Aljur, nang makachikahan namin siya sa grand launch ng Gutierez Celebrities and Media Productions, natutuwa siya na naidirehe siya ni Topel. Isa kasi ito sa mga hinahangaan niyang direktor simula nang mapanood niya ang mga pelikulang horror na ginawa nito.

Sa tanong kung kamustang katrabaho  si Direk Topel, ang sagot ni Aljur, “Sobrang cool na direktor. Mahusay! Magaan kasama.”

Sa tanong namin kung magkakaroon ng premier night ang nasabing pelikula, sino ang isang tao na gusto niyang isama?

“Usually, ‘pag premier night ako lang mag-isa, eh. Gusto mo bang sumama?” natatawang sagot ni Aljur.

Sa naging sagot ni Aljur, halatang iniiwasan niyang mabanggit ang pangalan ng girlfriend niyang si AJ Raval. Ang pangalan kasi ng sexy actress ang hinihintay na sagot namin mula kay Aljur simula nang umamin na siya na sila na ni AJ.

Pero nang kunin ang reaksiyon niya sa sinabi ng dating asawang si Kylie Padilla na masaya ito sa relasyon nila ni  AJ, dito na nagbigay ng pahayag si Aljur. Sabi niya, “Alam ko naman ‘yun, eh. Nag-uusap naman kami, eh.”

Dagdag pa niya, “No choice, eh. Ang choice namin is maging maayos talaga kami para sa mga bata. Mag-uusap at mag-uusap kami talaga para sa mga bata.”

Sina Aljur at Kylie ay may dalawang anak na lalaki, sina Alas at Axl.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …