Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KC Concepcion Sharon Cuneta
KC Concepcion Sharon Cuneta

Sharon aminadong magkaugali sila ng anak na si KC — bullheaded, stubborn and strong-willed

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Sharon Cuneta sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, nagpakatotoo ang Megastar sa pag-aming hindi talaga swak ang ugali nila ng kanyang panganay na si KC Concepcion, mula kay Gabby Concepcion, na una niyang asawa.

Hanggang ngayon nga raw ay away-bati pa rin sila ni KC.

Aniya, pareho silang bullheaded, stubborn and strong-willed ni KC, pero very opposite umano ang kanilang pag-uugali.

Opposite ang ugali namin so hindi maiwasan ‘yung nagbabanggaan. Pero kung pagmamahal at pagmamahal lang…” ani Sharon na idiniin ang pagmamahal kay KC.

Ayon pa kay Sharon, hinahanap niya ang dati niyang relasyon sa unang anak.

Nami-miss ko ‘yung dating relationship namin noong bata pa siya.”

Sa paglaki raw ni KC ay unti-unting nagkalayo ang kanilang loob.

Binanggit din ni Sharon ang pinakamasakit na isyu na nakarating sa kanya pagdating kay KC.

Na ayaw kong sumikat ‘yung anak ko.

“Parang sakit na sakit ako roon kasi sinong matinong magulang, lalo kung artista ka, ang gugustuhin mong anak pa ng ibang tao ang sumikat kaysa sarili mong anak?

“Kung may papalit sa ‘yo o susunod sa ‘yo, siyempre, gusto mo ‘yung sa ‘yo, ‘di ba?

“Na ako kaya ang dahilan kung bakit minsan malayo siya sa akin, or hindi ko alam, ah.

“‘Yun ang pinakamasakit na nakarating sa akin na baka kaya hindi kami magkasundo kasi…

“It was so shocking to hear certain things na never nangyari o never man lang dumaan sa isip ko.

“Parang ‘wag mong pagkompetisyonin ‘yung mag-ina.

“Nahu-hurt ako sa ganoon. ‘Yun na naman, pumapasok ‘yung, ‘Bakit may taong ganoon kasama na ilalagay sa utak ng anak mo ‘yun.’

“At ang prayer ko sana hindi siya maniwala.

“That is a total lie. Or kung mayroon mang naglagay niyon sa utak niya.”

Bilang ina, kaya raw ibigay ni Sharon ang buhay para sa anak.

Noon pa napapabalita na hindi close si KC kay Sharon. At mas malapit ito sa kanyang amang si Gabby.

So, base sa naging pahayag ni Sharon, ang dahilan ay may nakarating kay KC na ayaw  niyang sumikat ang anak.  Na siguro nga ay pinaniwalaan ni KC.

Pero ayon naman kay Sharon ay wala itong katotohanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …