Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Most wanted ng DILG Dating parak timbog

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang dating pulis na nasa talaan ng Most Wanted Persons ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 23 Enero.

Magkakatuwan na nagsagawa ng manhunt operation ang ang magkasanib na mga tauhan ng Regional Intelligence Unit 7, Pulilan MPS, RIU3, RIU- NCR at iba pang konsernadong yunit sa Bgry. Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Arestado ang suspek na kinilalang si SPO1 William Reed, dating miyembro ng PNP, 57 anyos, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong double murder na inilabas ni Judge Rodolfo Ponferrada, may petsang 25 Mayo 2001 at walang itinakdang piyansa.

Nabatid na nakatala si Reed  sa National Most Wanted Person ng DILG at may nakalaang P250,000 monetary reward para sa kanyang pagdakip.

Pahayag ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, ang intelligence build-up effort at kampanya ng kapulisan laban sa mga  wanted persons  ay pinaigting  kabilang ang sa mga police scalawags  na nararapat lamang na ikulong sa rehas na bakal para pagdusahan ang kanilang mga ginawang krimen. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …