Saturday , May 10 2025

Vinluan kampeon sa Chess Tourney

NASIKWAT NI BRYLLE GEVER VINLUAN ng Baguio City ang kampeonato ng 1st Robinson’s Place Under-15 Chess Tournament nitong Setyembre 15 sa Calasiao, Pangasinan.

Bagama’t tangan ang disadvantageous black pieces, nakipaghatian ng puntos si Vinluan  kay Juan Carlos M. Presente ng San Jose Academy of Bulacan (SJAB) sa final round para pormal na maiuwi ang titulo sa 6-round tournament.

Nakakolekta si Vinluan ng total score  5.5 puntos, angat ng kalahating puntos kina 2nd placer Presente, 3rd placer John Marx Anastacio ng Pangasinan, 4th placer Paul Lejither Uy ng Tarlac City at 5th placer Jerome Junio ng Pangasinan na may tig 5.0 puntos.

Si Presente na ipinagmamalaki ng Novaliches Novelty Chess Club ay idineklarang over-all 2nd place matapos ang higher tie break points. Nitong Setyembre 4, tumapos si Presente ng over-all third place sa  1st CB Mall non-master 2000 below rapid chess tournament na ginanap sa Urdaneta, Pangasinan.

Nitong nakaraang buwan ay nakamit din ni Presente ang titulo at Board 1 Gold Medallist sa San Jose del Monte Private Schools Association (CSANPRISA) Chess Tournament High School.     (L. Icao)

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *